^

PM Sports

Harden sinapawan ni Dinwiddie

Pang-masa
Harden sinapawan ni Dinwiddie
Si Spencer Dinwiddie ng Brooklyn laban kay PJ Tucker ng Houston.

HOUSTON — Iniskor ni Spencer Dinwiddie ang 25 sa kanyang 33 points sa fourth quarter at overtime period at dinis-karil ng Brooklyn Nets ang 58-point night ni James Harden sa pamamagitan ng 145-142 panalo laban sa Rockets.

Ito ang ikalawang sunod na naglista si Harden ng season high matapos tumipa ng 57 markers sa naunang panalo ng Houston laban sa Memphis Grizzlies noong Lunes.

Ngunit laban sa Nets ay nagtala lamang si Harden, may 10 rebounds at 6 assists, ng 5-of-19 shooting sa 3-point range habang 23 triples ang naipasok ng Rockets sa NBA-record nilang 70 attempts.

Pinuwersa ni Dinwiddie sa overtime ang laro nang magsalpak ng tatlong tres sa huling 30 segundo ng regulation para sa Brooklyn at sa extra period ay tumipa siya ng go-ahead basket sa natitirang 28 segundo.

Matapos ang tatlong free throws ni Harden para sa one-point lead ng Houston ay kumonekta naman si James Nunnally — pumirma sa isang 10-day contract noong Miyerkules — ng isang tres para sa kanilang 142-135 abante sa huling 1:28 minuto.

Humataw naman sina Treveon Graham, Jarrett Allen, Dinwiddie at Joe Harris sa panig ng Nets para agawin ang kalamangan sa 145-142 sa nalalabing 1.6 segundo.

Sa Dallas, nagsalpak si Davis Bertans ng go-ahead 3-pointer sa huling 1:41 minuto at nakabangon ang San Antonio Spurs mula sa 19-point first-half deficit para balikan ang Mave-ricks, 105-101.

Naisuko ng San Antonio ang six-point lead sa final period ngunit ibinagsak ni Bertans ang ikatlo niyang tres sa nasabing yugto para iwanan ang Dallas sa 99-96.

Sa Boston, kumonekta si Kyrie Irving ng foul-line fadeaway at 31-foot 3-pointer para sa 27 points at igiya ang Celtics sa 117-108 panalo kontra sa Eastern Conference-leading Toronto Raptors.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with