^

PM Sports

‘Spiderman Dunk’ bawal na

Andrew Dimasalang - Pang-masa
�Spiderman Dunk� bawal na
Arwind Santos

MANILA, Philippines — Hindi na masisilayan ng fans ang pamosong ‘spiderman’ dunk ni Arwind Santos ng San Miguel simula ngayong 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup.

Ito ay matapos magbaba ng memorandum ang liga kamakalawa ng gabi na nagbabawal sa matagal na pagsabit ng sinumang manlalaro sa ibabaw ng ring pagkatapos ng bawat dunk.

Ayon sa memorandum na ipinadala sa 12 koponan, bibigyan ng unsportsmanlike technical foul ang sinomang lalabag sa pinakabagong batas ng PBA.

“A player, however, who hangs onto the rim after a dunk and places either or both of his feet onto the backboard, shall be assessed with an unsportsmanlike technical foul,” saad ng liga sa opis-yal na liham.

Kilala si Santos sa kanyang spiderman dunk kung saan itinataas niya sa board ang dalawang paa na mistulang gagamba sa kanyang bawat slam dunk sa PBA.

Papayagan lamang ng PBA ang pagsabit nang matagal sa ring kung ang hangarin ng manlalaro ay makaiwas sa sariling injury o injury ng isa pang manlalaro na nasa ibaba nito habang nasa ring.

“A player can only hang on the ring, backboard or its support to prevent injury to himself or another player with no penalty,” paglilinaw ng PBA, pinakamatandang pro-league sa Asya. “A player may momentarily hang to the basket after a dunk.”

Ito ang pinakabagong pagbabago sa panuntunan ng liga kasunod ng nauna nang tatlong rule changes bago pa man magsimula ang 44th PBA Season.

Sa opisyal na press conference noong nakaraang Martes ay inanunsyo ni Commissioner Willie Marcial ang pagbabago sa traveling violation, timeout at goaltending.

Upang makasabay sa international play, gagamitin na ng PBA ang International Basketball Federation (FIBA) format na may 0-1-2 step na siyang nagbibigay sa manlalaro ng gather step bago opisyal na magbilang ng 3 steps para sa traveling violation.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with