^

PM Sports

Kaya pa ni Manny

Pang-masa
Kaya pa ni Manny
“One out of 10 he’s number seven or eight,” wika ni Pacquiao nang tanungin ang kalibre ni Broner.
MP Promotions

LAS VEGAS – Sa ranggong 10 ay ikinunsidera ni Future Hall-of-Famer Manny Pacquiao si American challenger Adrien Broner bilang pito o walo.

“One out of 10 he’s number seven or eight,” wika ni Pacquiao nang tanungin ang kalibre ni Broner.

“He’s a former champion. He’s a good boxer. And he’s the kind of fighter you cannot underestimate,” dagdag pa nito.

Hindi naman ito mahalaga para sa 29-anyos na si Broner, hahamunin ang 40-anyos na si Pacquiao sa Linggo (Manila time) dito sa MGM Grand.

“I’m just glad that I’m the underdog,” sabi ni Broner sa mga scribes. “I know a lot of people are here to see me lose. I hope I can turn Pacquiao fans to Broner fans.”

Nangingintab si Broner dahil sa kanyang suot na diyamante. Dumating siya na suot ang white and purple outfit at may malalaking alahas at sa likod ng kanyang jacket ay may nakasulat na “About Billions.”

Sa kanyang dalawang kamay ay nakasuot ang isang diamond-studded Rolex watches, gold necklaces at gold rings na kasing laki ng walnuts.

Nakipag-usap din si Pacquiao, hangad ang kanyang ika-40 knockout win, sa press sa VIP Lounge ng MGM Grand.

Matapos ang ilang minuto ay ginawa niya ang kanyang grand entrance sa hotel lobby kung saan nag-aabang ang mga fight fans niya na naghintay ng dalawang oras.

Pinatugtog ang theme song ng 1976 film “Rocky” sa pag-akyat ni Pacquiao, pinaligiran ng kanyang mga Filipino bodyguards, sa stage. Ngumiti siya sa mga fans kagaya ng kanyang ginagawa.

“I feel like this is my first fight in Vegas,” ani Pacquiao sa pagbabalik-alaala niya noong 2001 sa kanyang US debut.

Patutunayan ni Pacquiao, nakasuot ng blue track suit na may yellow trim, na hindi pa siya laos sa pagsagupa niya kay Broner.

“If they (critics) think that I’m old, they’re wrong. I spar with boxers who are twenty-nine years old,” sabi ni Pacquiao.

Hindi naman niya dapat maliitin si Broner, nagwagi ng apat na world titles sa 130, 135, 140 at 147 lbs.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with