^

PM Sports

Munzon hinugot ng AMA Titans

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Munzon hinugot ng AMA Titans

MANILA, Philippines — Sinikwat ng AMA Online Education si Joshua Munzon bilang first overall pick nito sa ginanap na 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft kahapon sa PBA Office sa Libis, Quezon City.

 

Hindi nagdalawang isip ang Titans sa pagsungkit sa Filipino-American sensation upang kanilang maging tagapag-sagip matapos ang dalawang sunod na taon na pagkakakulelat sa semi-professional league ng bansa.

Inaasahan ang mala-king tulong ng 24-anyos na si Munzon sa AMA lalo’t beterano na ito sa ibang semi-pro leagues sa ibang bansa tulad ng Asean Basketball League (ABL) kung saan siya naglaro para sa Saigon Heat at Westports Malaysia Dragons.

Kinuha naman ng Marinerong Pilipino bilang second overall pick ang University Athletic Association (UAAP) breakout star na si Santi Santillan mula sa La Salle.

Ang dalawang natu-rang manlalaro ang na-nguna bilang 1-2 pick sa 61 na draftees mula sa 153 na aplikante.

Sinungkit naman ng kampeon na Go For Gold bilang third overall pick si Jeremiah Pangalangan habang fourth pick ang Adamson stalwart na si Sean Manganti para sa Che’Lu Bar and Grill.

Kinumpleto naman nina Troy Rike para sa Wangs, Kristoffer Torrado para sa Diliman, Christian Nidoy para sa Trinity College at Jerome Vilannueva para sa McDavid ang first round draft bilang top-eight overall picks ayon sa pagkakasunod.

Hindi naman inaasahang mahulog sa huling rounds ang iba pang ina-abangang manlalaro na sina Kib Montalbo ng La Salle na napunta rin sa AMA sa second round, Anton Asistio ng Ateneo na nakuha ng Marinero sa fourth round gayundin sina UP star Juan Gomez De Liaño at FEU standout na si Jasper Parker na napunta sa Che’Lu sa ikaa-nim at ikapitong rounds, ayon sa pagkakasunod.

Ang walong koponan lamang mula sa 20 teams ng D-League ang kumuha ng mga manlalaro sa naturang draft.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with