_pang-masa
^

PM Sports

App Da Bonus ginulat ang mga liyamadista

Vince Nuguid - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanalo ang nadehadong kalahok na App Da Bo­nus sa ikaanim na karerang naganap noong Bi­yernes sa pista ng Sta Ana Saddle and clubs sa Na­ic, Cavite.

Tinalo ng tambalang App Da Bonus at jockey JL Paano na nadehado sa bentahan ang liyamadong ILove Jane at ang malakas na bumentang Classic Gee na pagmamay-ari ni Ed Gonzales.

Sa nasabing karera ay pilit na inunahan ng de­hadong Del Monte ang segunda liyamadong Classic Gee pagsapit ng medya milya bago mu­ling kinuha ng tambalang Classic Gee at jockey JL Lazaro ang bandera pagdating sa huling kurbada.

Nasa unahan pa rin ang Classic Gee pagdating sa rektahan kasunod ang nauubos nang Del Monte, habang paparating naman ang nagpaparemateng App Da Bonus kasabay ang ILove Jane.

Sa huling 50 metro ay nagkapanabayan ang Classic Gee at App Da Bonus bago nakuha ng hu­li ang panalo na may mahigit sa isang katawan ag­wat laban sa nasegundong Classic Gee, habang pu­mangatlo ang ILove Jane.

Maganda pa ang ibinigay ng Forecast sa halagang P191.00 para sa nanalong kumbinasyon nito na 5-4, habang malaki rin ang naging dibidendo sa Trifecta na nagbigay ng P105.20 para sa nanalong kumbinasyon na 5-4-7.

Nagbigay naman ang Daily Double ng dibiden­dong P37.00 kabit sa Super Mega Oustanding Favorite na Storm Chaser na nanalo sa Race 5, habang ang Daily Double naman kabit sa nanalong Believable sa hu­ling karera ay nagbigay ng tamang P86.50 kada isang ticket.

Halos puro liyamadong kabayo sana ang mga nagsipanalo bago si­nilat ng dehadong App Da Bonus ang araw sana ng mga liyamadista kung saan nagbigay pa ang Winner-Take-All ng dibidendong P2,340.40 para sa nanalong kumbinasyong 5-7-5-1-7-5-7.

 

APP DA BONUS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with