Muling babanderahan ni naturalized center Andray Blatche ang kampanya ng Gilas Pilipinas.
Ibang 15-man pool ng Gilas para sa sixth window
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - January 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang paliitin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa 15-man pool na lamang ang Gilas Pilipinas para sa misyong magkaroon ng mas solidong samahan at mas mahabang paghahanda para sa sixth at final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa susunod na buwan.

Ito ang inamin ni coach Yeng Guiao, higit isang buwan bago ang road games ng Gilas kon­tra sa Qatar at Kazakhstan sa Pebrero 21 at 24, ayon sa pagkakasunod.

“Iyong pool natin, ma­liit na lang, 15-man pool na lang,” ani Guiao. “Para mas madali silang maka-absorb ng system at maka-focus kasi maliit na lang. Hindi na mas­yadong marami kapag nagpa-practice kami.”

Sa fifth window no­­ong Disyem­bre ay nag­­pa­rada ng 20-man pool ang Gilas na hindi maganda ang naging re­­sulta bunsod ng parehong home losses kon­tra sa Kazakhstan at Iran na siyang nagpala­bo sa kanilang tsansa sa World Cup.

Ayon kay Guiao, magmumula rin sa orihinal na 20-man pool ang bubuo sa bagong 15-man pool ng Gilas bukod kay naturalized center Andray Blatche.

“Most of them will be retained at kasama na si Blatche diyan nga­­yon,” ani Guiao na inaasahan ang pagdating ni Blatche sa ikatlong linggo ng Enero.

Sa kasamaang palad, ibig sabihin ng pagbabalik ni Blatche sa Gilas ay ang pagkawala sa pool nina Christian Standhardinger at Stanley Pringle na siyang nag­silbing naturalized player ng Gilas sa dalawang windows ng Asian Qualifiers.

“Naturally, mawawalan sila ng slots pagpasok ni Blatche. That’s the harsh reality we have to face,” ani Guiao. “Sa­yang lang kasi dapat Pilipino ‘yung mga ‘yun. Locals sila. But sa­yang, all I can do is nanghinayang ako.”

Nakatakdang panga­lanan ni Guiao at ng SBP ang 15-man pool ng Gilas sa susunod na linggo.

Bunsod naman ng basbas ng PBA ay mag­sisimula ang twice-a-week training ng Gilas kasabay ng pagdaraos ng 2019 Philippine Cup sa Enero 21.

Mula sa Pebrero 14 ay titigil na ang PBA.

 

SIXTH WINDOW
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with