Alapag nasa SMBeer na
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - January 4, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dagdag na piyesa na naman ang nasungkit ng powerhouse na San Miguel.

At sa pagkakataong ito ay hindi manlalaro ang napunta sa kanilang poder kungdi isang coach sa katauhan ni Jimmy Alapag.

Ipinakilala kahapon ni team governor Robert Non sa pagsasanay ng Beermen ang 41–anyos na si Alapag bilang pinakabagong dagdag na assistant coach ni chief tactician Leo Austria.

Kilalang matagal na manlalaro at coach ng MVP franchise bilang lider dati ng Talk ‘N Text at Gilas Pilipinas, hindi inaasahang nasa karibal na kampo na ngayon si Alapag.

Hindi naman ito kagulat-gulat dahil si Alapag ang coach ng Alab Pilipinas na sinusuportahan ng San Miguel sa Asean Basketball League.

Magugunitang si Alapag ang kilalang kapitan ng Gilas Pilipinas na umukit noon ng kasaysayan noong 2014 nang mabitbit sa International Basketball Fe-deration (FIBA) World Cup sa Spain ang Nationals.

Matapos mapili bilang 10th overall pick noong 2003 PBA Draft ay umukit siya ng pangalan sa TNT kung saan siya nagkampeon nang anim na beses, naging Most Valuable Player noong 2011 at nagkamit ng ilang All Star at Mythical Selections.

Miyembro ng 40 Greatest PBA Players, nag-retiro siya noong 2015 subalit bumalik ulit sa PBA upang maglaro at maging team consultant ng Meralco bago nga kunin ng Alab bilang head coach nito noong 2017.

Nagsilbi rin siyang assistant coach sa TNT at sa Gilas Pilipinas.

Samantala, kasabay ng pagpapakilala kay Alapag ay pormal na ring ipinakilala ng SMB ang bagong manlalaro na si Terrence Romeo.

Kahapon ang unang ensayo ni Romeo sa Beermen, dalawang linggo matapos malipat mula sa TNT kapalit nina Brian Heruela, David Semerad at future draft picks.

JIMMY ALAPAG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with