^

PM Sports

Obra Maestra nanguna sa Philracom Juvenile Championships

Vince Nuguid - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanalo ang kabayong Obra Maestra na ginaba-yan ni jockey JB Guce sa naganap na “2018 Philracom Juvenile Championship” noong Lunes sa pista ng Sta Ana Saddle and Clubs  sa bayan ng Naic, Cavite.

Tumataginting na P1,500,000 milyon piso   ang napanalunan ng tambalang Obra Maestra at jockey JB Guce para sa may-ari ng nasabing kabayo na si Mayor Sandy Javier Jr. at trainer Ruben Tupas bilang tagakundisyon ng kampeong kabayo.

Nakauna sa nasabing karera ang segunda liyamadong kalahok na Lady Mischief kasunod ang mga kabayong Royal Bell, Forest Cover, Gatinghan Island, My Jopay, Full of Grace habang nag-abang sa pang anim na puwesto ang super mega outstanding favorite sa bentahan na Obra Maestra.

Pagdating sa huling kurbada ay bandera pa rin ang Lady Mischief pero kasunod na nito ang malakas na nagpaparemateng Obra Maestra na tulu-yang nakuha ang unahan pagsapit sa rektahan at iniwan ang mga nakalaban para sa lagpas sa anim na kabayong panalo nito.

Nagbigay pa ang Forecast ng P26.50 sa nase­gundong kabayo na Full of Grace para sa nanalong kumbinasyon na 9-6 habang halagang P136.40 naman ang ibinigay sa Trifecta ng pumangatlong kabayo na My Jopay para sa kumbinasyong 9-6-8.

Halagang P28.50 naman ang ibinigay na dibidendo sa Daily Double kabit sa nanalong War Dancer sa Race 5 habang ang Daily Double naman kabit sa nanalong Always on Time sa Race 7 ay nagbigay lang ng P12.00 pesos kada isang ticket.

Magiging masaya naman ang Bagong-Taon ng mga tumama sa Exo­tic Betting Option na Winner Take All Event dahil tumataginting na P24,272.60 ang ibinigay na dibidendo sa mga nakakuha ng nanalong kumbinasyon na 3-7-1-1-8-9-2.

vuukle comment

PHILRACOM JUVENILE CHAMPIONSHIPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with