^

AlDub fans walang kayang gawin kundi magbanta ng boycott

Nitz Miralles (Pang-masa) - December 30, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakakabasa kami nang panawagan ng ilang fans ng AlDub na i-boycott ang New Year Countdown ng GMA Network dahil lang magkasamang host sina Alden Richards at Andrea Torres. Naniniwala ang ilang fans na ito na sinasadyang gawin ng network na pagsamahin sina Alden at Andrea para paghiwalayin ang tambalan nina Alden at Maine Mendoza.

 

Nakadagdag pa sa inis ng fans na bukod kay Andrea, isa rin sa performer sa New Year Countdown si Julie Anne San Jose na ayaw din nila dahil minsan na ring na-link kay Alden.

Pero dahil sanay na ang network at si Alden sa pagbo-boycott ng ilang AlDub fans, wala na silang reaction. Basta tuloy ang New Year Countdown sa December 31, sa SM Mall of Asia Seaside Boulevard and in fact, 11th year partnership na ito ng GMA Network at ng SM Mall of Asia.

This year, katulong din ng network ang Solaire Resort & Casino for live updates at showcase ng spectacular set of fireworks display. Magsisimula ang live coverage ng 10:30pm.m onwards.

Ryza na-bash sa maling bintang ng fans ni Maine!

Nag-react si Ryza Cenon sa maling akusasyon sa kanya na sa MMFF Awards Night, hindi niya binanggit ang name ni Maine Mendoza nang tanggapin niya ang award para sa MMFF entry na Jack Em Popoy.

May nag-comment na fans ni Maine kung galit ba si Ryza kay Maine at obvious daw na hindi nito gus­to si Maine dahil hindi nga binanggit ang pa­nga­­lan. Kaya lang, hindi naman pala si Ryza ang tumanggap ng FPJ Memorial Award award, kundi staff ng APT Entertainment. Kaya may rasong mag-react si Ryza.

“Hi sa lahat ng fans ni @mainedcm na nagagalit sakin dahil hindi ko daw nabanggit ang pangalan nya. Linawin ko lang hindi ako ang tumanggap ng FPJ Memorial Award at pakinggan nyo rin kung ano ang sinabi ni Ms. Camille ang sabi nya “Sa nga­­lan ng aming producers” kaya wag manghusga agad.”

Sinundan ‘yun ng tweets na “I will not ignore that kind of mentality. Unfair sa mga taong nanana­himik tapos idadamay pangalan mo sa hindi mo gina­wa. No!!! That’s bullying!! #notobullying.”

In fairness, may fans si Maine na nag-sorry kay Ryza, pero ‘yung mga nagalit kay Ryza, deadma at lalo pang nagalit sa aktres. Ito pa ang sinabihang magbago.

 

ALDUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with