^

PM Sports

Hindi napigilan ng bagyo Dingdong at Marian nagtampisaw sa Siargao!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Hindi napigilan ng bagyo Dingdong at Marian nagtampisaw sa Siargao!

Happy fourth wedding anniversary today to Ding­dong Dantes and Marian Rivera. Ikinasal sila noong December 30, 2014 sa Immaculate Conception Cathedral in Cubao, Quezon City.

 

Maagang nag-post si Ma­rian kahapon ng photo ng mag-ama niyang Dingdong at Zia Dantes, with the caption “Mi Vida” #TheDantesSquad.” 

Ang location nila ay Siargao Island. 

Post din ni Marian sa kanyang Instagram story na naka-two-piece bikini siya, showing her baby bump. Mahilig sa beach ang mag-asawa at nakuha rin ito ni Zia, dahil baby pa lamang siya, dala na siya ng mag-asawa kapag nagbi-beach sila.

Bale ito na ang pahinga ng mag-asawa matapos na maraming events na pinuntahan si Marian during the Christmas season at si Dingdong sa taping ng Cain at Abel for GMA-7 at ang promotion niya ng Fantastica ang entry nila nina Vice Ganda at Richard Gutierrez sa ongoing 44th Metro Manila Film Festival.

Dennis tungkol sa cocaine ang natapos na pelikula

Pagkatapos makatanggap ng Best Actor award sa One Great Love ng Regal Films ipalabas na kaya agad ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde ang isang indie film na ginawa ni Dennis sa kanila, ang Mina Anud, bilang follow-up movie niya after ng 44th MMFF sa January 7, 2019.

Ang Mina Anud ay isa sa limang pelikula ng Regal Films na natapos na nilang i-shoot nitong 2018. Kasama ni Dennis sa movie sina Matteo Guidicelli at Jerald Napoles.

Natatandaan namin na nang maka­usap namin noon si Jerald, ikinuwento niya na honored siyang na­ka­sama niya sa isang movie ang dalawang sikat at mahuhusay na actor, sina Dennis at Matteo nga.

Ang Mini-Anud ay true story na nangyari noong December, 2009, tungkol sa isang high-grade cocaine bricks na natagpuang palutang-lutang sa karagatan ng Eastern Samar.

Ayon din kay Jerald, nagpunta sila ni Dennis sa Eastern Samar at doon nila kinunan ang eksenang iyon tungkol sa cocaine bricks na lumutang sa karagatan na tutuklasin nila kung saan iyon nanggaling.

vuukle comment

DING­DONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with