JM binunyag kung ano ang ginawa sa rehab
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - December 30, 2018 - 12:00am

Pinaniniwalaan ng fans na may relasyon na sina JM de Guzman at Barbie Imperial at magkasama ang dalawa sa Cebu since yesterday para magbakasyon.

 

Nag-upload ng short video si JM sa Instagram Story kung saan ay makikita na nasa eroplano siya at sa caption ay nakalagay ang “Cebu.”

Nag-post din siya ng larawan niya facing a wall at ni-recall ang karanasan noong nasa rehabilitation center siya kung saan ay pinaharap din daw siya sa dingding.

“Inside rehab I spent 33 days facing the wall, as a behavioral tool. Not allowed to talk. just faced the wall. reflected. from 600am-900pm. until I accepted my recovery. My turning Point,” ang caption ni JM at nilagyan ng hashtag na #BreaktheWALL.

Bagama’t wala naman si Barbie sa larawan, ang hinala ng netizens ay ang aktres ang photographer ni JM at sa post pa nga niya ay naka-tag pa ang leading lady sa Araw Gabi.

Sa comments section ay kinakantiyawan nga rin si JM na may patag-tag pa raw pero in fairness, masayang-masaya naman ang JuanBie fans nila para sa kanila.

Wish din ng fans na huwag na raw sana silang mag-away pa ulit.

Dingdong at Richard 20 years bago ‘nagkaayos’ sa pelikula

Ang sweet naman ng message ni Dingdong Dantes para sa co-star niya sa Fantastica at dating kasamahan sa GMA-7 na si Richard Gutierrez.

“It is an honor to finally share the stage with my EM brother,@richardgutz. After knowing each other for almost 2 decades, what better time to team up than this MMFF holiday season! The sharing of life stories (and motorcycle rides) off cam were as fun as shooting those hilarious scenes in our movie, #Fantastica. Looking forward to our next collaboration!” ang caption ni Dong sa larawan nila ni Chard na ipinost niya.

Hindi lang si Richard ang binigyan ng mensahe ni Dong kungdi pati ang isa pa niya kasama sa Fantastica, ang Kapamilya comedian/TV host na si Ryan Bang.

“Nakakatuwa talagang katrabaho si @ryanbang. Hindi lang siya komedyante sa harap ng kamera, mas matindi pa ang kaniyang sense of humor sa totong buhay. Talagang literal na “no dull moment” kapag kasama ko siya. Masaya ako na nakahanap ako ng bagong kaibigan sa katauhan niya dahil sa #Fantastica,” ang saad ni Dong sa isa niyang IG post.

For sure ay masayang-masaya rin si Dong sa box-office success ng Fantastica na sinasabing no. 1 sa ranking.

Still on Dingdong, kasalukuyang nasa Siargao ngayon ang Dantes Family at nagbabakasyon base na rin sa mga posts ni Marian Rivera.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinakita ni Marian Rivera sa kanyang IG followers ang baby bump niya in a sexy bathing suit.

Yes, kahit preggy na ay seksing-seksi pa rin si Marian.

“My heart is full...and so is my tummy...” ang caption ng aktres sa mga larawan niyang naka-two piece bathing suit showing off her baby bump.

As we all know, lalaki ang ipinagbubuntis ni Marian at naka-schedule siyang manganak sa summer of 2019.

 

JM DE GUZMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with