What a feeling nagpakitang-gilas
(Pang-masa) - December 30, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanalo ang dalawang taon kabayo na What A Feeling sa naganap na “2yo Group Race Merged (6-7)” sa naganap na karera kahapon (Dec29) sa pista ng San Lazaro Leisure and Business Park sa Carmona, Cavite.

 

Sa nasabing karera na naganap sa Race 2 ay wala ng pinaporma ang kabayong pagmamay-ari ni Mr. Allan Castro at mahusay na nirendahan ni jockey Mark Alvarez kung saan malayo nitong tinalo ang naliyamado sa bentahan na Magtotobetsky.

Gumawa ang tambalan What A Feeling at jockey Mark Alvarez ng kwartos na 7 / 24’ / 25 / 26’ para sa kabuuang prueba na 1:23 para sa distansyang tinakbuhan na 1300 meters sa Carmona.

Maswerte naman ang mabait na Horse Owner na may-ari nga sa nanalong kabayo na What A Feeling na si Mr. Allan Castro dahil bukod sa premyong nakalaan para sa panalo nito ay mayroon pa itong added na P50,000 galing naman sa Philracom.

Nagbigay ang Forecast ng tamang P15.00 sa kada isang ticket para sa nanalong kumbinasyon nito na 3-4 pero kung lumabas lang sana nang maayos ang kabayong Fever Act na nirendahan ni jockey JAA Guce ay malamang na ung sana ang masesegundo.

Sa Daily Double kabit sa nanalong Thundering Hill na sinakyan ni jockey RB Simplicio sa Race 3 ay nagbigay ng dibidendong P29.50 para sa nanalong kumbinasyon nito na 3-7 habang ang Extra Double naman kabit sa nanalong Hamlet sa Race 4 ay nagbigay ng tamang P37.00 kada ticket.

Maganda rin ang naging dibidendo ng Daily Double Plus One para sa mga nanalong kabayo na What A Feeling (Race2), Thundering Hill (Race 3) at Hamlet sa Race 4 dahil halagang P26.80 pa ang tinamaan ng mga nakakuha sa nanalong kumbinasyon nito na 3-7-7. Vince Nuguid

RACE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with