May pag-asa kay Biado
Chris Co (Pang-masa) - December 21, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Buhay na buhay pa ang pag-asa ni reigning champion Carlo Biado na maipagtanggol ang titulo nang umabante ito sa semifinals ng 2018 World 9-Ball Championship na ginaganap sa Al-Attiya Sports Arena sa Al-Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Kinailangan ni Biado na kapitan ang malalim nitong karanasan upang itakas ang 11-9 panalo laban kay dating World 9-Ball champion Wu Jiaqing ng China sa Round-of-16 ng WPA-event.

Muling umariba si Biado nang kubrahin nito ang impresibong 11-4 demolisyon kontra kay Wu Kun Lin ng Chinese-Taipei sa quarterfinals para makahirit ng isa sa apat na puwesto sa semis.

Makakasagupa ni Biado sa semis si Shane Van Boening ng Amerika na nagtala ng 11-5 panalo laban kay Chris Melling ng Great Britain sa Round-of-16 at Chang Jung Lin ng Chinese-Taipei sa quarterfinals (11-8).

Magtatagpo naman sa hiwalay na semis game sina Joshua Filler ng Germany at Alexander Kazakis ng Greece sa torneong may nakalaang $40,000 sa magkakampeon at $20,000 sa runner-up.

Iginupo ni Filler si Robbie Capito ng Hong Kong sa Round-of-16 (11-1) at 2016 World 9-Ball champion Albin Ouschan ng Austria sa quarterfinals (11-6) habang nanaig si Kazakis kina Niels Feijen ng Netherlands sa Round-of-16 (11-10) at Corey Duel ng Amerika sa quarterfinals (11-8).

Nakatakdang laruin ang semis at finals kagabi as of presstime.

Nauna nang yumuko ang iba pang Pinoy bets na sina Ronald Garcia, Johann Gonzales Chua, Jeffrey Ignacio, Jeffrey De Luna, Marlon Manalo at Roberto Brillantes.

BIADO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with