_pang-masa
^

PM Sports

Dehadong Navy Cut, Ubaldo nanalo

Vince Nuguid - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nanalo ang dehadong kabayo na Navy Cut na ginabayan ni jockey RM Ubaldo sa race 1 ng karerang naganap noong Martes sa pista ng San Lazaro Leisure and Business Park sa Carmona, Cavite.

Bumandera sa nasabing karera ang mas dehadong kabayo na Zona Libre na sinakyan ni jockey ED Lumagui bago narematehan ng mga kabayong Navy Cut, Undercover at Hantik sa last 50 meters ng karera.

Malaking rebelasyon din ang tinakbo ng Zona Libre dahil sa ganda ng itinakbo nito na bababa pa ng isang grupo (Condition Race 19) sa susunod na takbo at malamang na sakyan ng mas magaling na hinete.

Bumenta lang ang tambalang Navy Cut at jockey RM Ubaldo ng P15,652 sa kabuuang P285,348 benta sa Extra Double at P248,656 naman sa Winner Take All para sa kabuuang mahigit 4.1 milyong benta.

Nagbigay ng P310.00 sa kada isang ticket ang nanalong kumbinasyon na 3-1 sa Forecast habang 1,244 ang naging dibidendo ng nanalong kumbinasyon na 3-1-7 sa Trifecta.

Isang maswerteng karerista naman ang solong nakakuha ng nanalong kumbinasyon sa Quartet na 3-1-7-12 na nagbigay ng tamang P48,613.00 habang wala naman tumama sa Pentafecta at Super-six kaya nagkaroon ng Carry-over sa dalawang nasabing Exotic Betting Option.

Halagang P230.50 naman ang ibinigay sa Extra Double kabit sa nanalong a Willing Willie sa Race 3 habang nagbigay naman ng dibidendong P498.60 sa Daily Double Plus One para sa nanalong kumbinasyon na 3-1-7.

 

 

UBALDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with