Biado lusot sa Last 16
Chris Co (Pang-masa) - December 19, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Lumilipad pa ang ban­dila ng Pilipinas ma­ta­pos magtala ng dalawang sunod na panalo si reigning champion Carlo Biado para umusad sa Last 16 ng 2018 World 9-Ball Championship sa Al-Attiya Sports Arena sa Al-Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Naitarak ni Biado ang 11-7 panalo laban kay Konrad Juszczy­szyn ng Poland sa first round kasunod ang 11-9 pagbomba kay Vitaliy Patsura ng Ukraine sa knockout stage.

Target ni Biado na makahirit ng ti­ket sa quarterfinals sa pag­ha­rap kay dating world champion Wu Jiaqing ng China na namayani kina Japanese bets Tomoya Iima sa first round (11-4) at Toru Kuriba­yashi sa second round (11-6).

Nakatakda rin ang sal­pukan nina Robbie Ca­pito ng Hong Kong at Joshua Filler ng Germany, Albin Ouschan ng Austria at Wiktor Zielin­ski ng Poland, Niels Fei­jen ng Netherlands at Ale­xandros Kazakis ng Greece.

BIADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with