^

PM Sports

Romeo ibinigay ng Talk ‘N Text sa SMBeer

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Romeo ibinigay ng Talk �N Text sa SMBeer
Terrence Romeo

MANILA, Philippines – Hindi man nabiyayan ng solidong mga picks tulad ng iba pang koponan sa katatapos lamang na 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Annual Rookie Draft sa Robinsons Place sa Ermita, Manila ka­ma­kalawa ng gabi, ang San Miguel pa rin ang maituturing na big winner.

Ito ay matapos makakuha ang Beermen ng dalawang solidong guwardiya sa magkaibang transaksyon kasama ang dalawang magkaibang koponan, isang araw matapos ang draft kung saan nila na­kuha ang katangi-tanging manlalaro na si Ryan Monteclaro sa 31st pick.

Sa isang pambihirang trade sa ka­ribal na Talk ‘N Text ay nasikwat ng Beermen ang superstar guard na si Terrence Romeo kapalit sina Brian He­ruela, David Semerad gayundin ang first round pick sa 2020 draft.

Naipasa na ng parehong koponan ang trade papers kay Office of the Commissioner subalit sasailalim pa sa pag-aaral kung maaaprubahan ba o hindi.

Magugunitang kakalipat lamang ni Romeo sa TNT nitong Abril subalit nag­wakas agad ang ugnayan matapos ang maikling walong buwan.

Na-draft bilang fifth overall pick no­ong 2013, naglaro ng limang taon si Ro­meo sa Globalport (ngayon ay NorthPort) bago nailipat ng koponan patu­ngong KaTropa kapalit si Mo Tautuaa.

Hindi naging maganda ang resulta ng trade para sa TNT dahil bigo silang makapasok sa semifinals ng parehong conferences sa kabila ng 21. 44 points at 5.22 assists na rehistro ng three-time scoring champion na si Romeo.

Sa isa pang trade, dagdag na tirador ang nakuha ng Beermen sa katauhan ni Paul Zamar mula sa Blackwater kapalit ng dalawang se­cond round picks sa 2021 at 2022 draft.

Matatandaang hindi na­papirmahan ng kontrata si Zamar noong 2012 PBA Draft bago sa wakas ay nabigyan ng pagkaka-taon sa Blackwater nga-yong taon matapos ang im­presibong kampanya pa­ra sa Mono Vampire sa Asean Basketball League.

Sa dalawang kompe­rensya para sa Elite ay nag­­rehistro ang 31-anyos na si Zamar ng 9.85 points at 3.72 rebounds na inaa­sahang magiging mala­king tulong sa kargado ng Beermen na hangad ang ka­­nilang ikalimang sunod na titulo sa Philippine Cup sa Enero.

Isa pang piraso ang na­kuha ng Beermen sa ka­­tauhan ng dating manlalaro na si Ronald Tubid kapalit ni Keith Agovida na mapupunta sa Columbian.

Kasama si Tubid sa kon­trobersyal na trade no­ong nakaraang taon sa pa­gitan ng Columbian at San Miguel na kinatampukan ng top overall pick na si Christian Standhardinger.

 

 

vuukle comment

ROMEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with