Pinuwersa ni LeBron James ng Lakers si Jeremy Lamb ng Hornets.
James at ball nagposte ng triple-double para sa Lakers
(Pang-masa) - December 17, 2018 - 12:00am

CHARLOTTE, N.C. — Nagulat si Los Ange­les head coach Luke Walton nang malaman na sina LeBron James at Lonzo Ball ang tanging ikalawang Lakers teammates na nagtala ng triple-double sa isang laro.

“I know it’s not easy. There have been a lot of good players in La­kers history and I figured Walton and Kobe (Bryant) would have done it a few times,” pagbibiro ni Walton, dating small forward ng Lakers.

Nagposte si James ng 24 points, 12 rebounds at 11 assists, habang tumipa si Ball ng 16 points, 10 rebounds at 10 assists para pamu­nuan ang Los Angeles sa 128-100 paggiba sa Hornets.

Nauna nang nagtala ng triple-double sa iisang laro sina Lakers le­gends Magic Johnson at Kareem Abdul-Jabbar nong Enero 22, 1982.

“Any time you can put yourself in the conversation of Lakers his­to­ry, all the guys that have come through this franchise, it’s pretty special,” sabi ni James.

Sa Memphis, naglista si James Harden ng 32 points, 12 rebounds at 10 assists para sa kanyang ikalawang sunod na triple-double at na­lam­pasan ng Houston Rockets ang arangkada ng Grizzlies sa fourth pe­riod para kunin ang 105-97 panalo.

Inihatid ni Harden, umiskor ng 50 points sa una niyang triple-double laban sa Lakers no­­ong Huwebes, ang Houston sa ikatlong sunod na panalo.

Nagdagdag si Clint Capela ng 26 points at 10 rebounds, habang may 17 markers si Ge­rald Green para sa pana­lo ng Rockets.

Pinamunuan naman ni Mike Conley ang Grizzlies mula sa kan­yang 22 points at 6 assists at kumolekta si Marc Gasol ng 17 points at 9 rebounds.

Sa Detroit, nagsu­mi­te si Blake Griffin ng 27 points at humakot si center Andre Drummond ng 19 points at 20 rebounds para bande­rahan ang Pistons sa 113-104 panalo laban sa Boston Celtics.

Winakasan ng Pistons ang sinasakyang eight-game win­ning run ng Cel­tics.

Tinapos din ng Det­roit ang sarili nilang six-game losing skid kung saan sila humataw ng 13-0 atake sa third quarter at hindi na nili­ngon pa ang Boston pa­tungo sa panalo.

Pinamunuan ni guard Kyrie Irving ang Cel­tics mula sa kanyang 26 points.

Matapos kunin ng Detroit ang 57-56 abante sa first half ay iniwanan nila ang Boston sa third quarter tampok ang slam dunk ni Drummond para sa kanilang 78-68 kalamangan.

Sa Oklahoma City, hu­mataw si Paul George ng 33 points para ihatid ang Thunder sa 110-104 panalo laban sa Los Angeles Clippers.

Nagposte si Russell Westbrook ng 13 points, 12 assists, 9 rebounds at 6 steals para sa Oklahoma City, habang may 18 at 16 markers sina Je­rami Grant at Steven Adams.

JAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with