CJ Perez
Sino ang magiging no. 1 overall pick?
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - December 16, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matutupad ba nila ang kanilang pangarap na makapasok sa Philippine Basketball Association o pipihit ang tadhana papalayo sa kahilingan.

Ito ang malalaman ng 47 aplikante sa pinakahihintay na 2018 PBA Annual Rookie Draft nga­yon sa Robinson’s Place sa Er­mita, Manila.

Magsisimula ang PBA draf­ting sa alas-4:30 ng ha­­pon kung saan inaasahang unang mapipili ang projected top three picks na sina CJ Perez ng Lyceum Pirates, Bobby Ray Parks, Jr. ng Alab Pilipinas at Robert Bolick ng San Beda Red Lions.

Bunsod ng malam­yang anim na panalong kam­panya ngayong taon, ang Columbian muli ang may-ari ng first overall pick sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Magugunitang ang Co­­lum­bian rin ang pumi­li sana ng top pick noong 2017 PBA Rookie Draft ngunit dinala ito sa San Mi­guel na ginamit ang pagkakataon upang sik­wa­tin bilang first overall pick si Fil-Ger­man sensa­tion Christian Standhar­dinger.

Sa ngayon, ipinangako ng Columbian na hindi papakawalan ang pick sa hangaring masiguro ang NCAA Most Valuable Player na si Perez bilang top pick nito.

Segunda namang pi­pili ang Blackwater na ma­­kailang ulit nang ipi­na­­hiwatig na gus­to nilang makuha si Parks, ang two-time Asean Basketball League MVP.

Ito ay sa kabila ng ugung-ugong na blockbuster trade na magtutu­lak ng second overall pick sa TNT Katropa kapalit ang superstar guard na si Terrence Romeo.

Pipili naman sa ikatlong puwesto ang Northport na asinta ang three-time NCAA champion at King Red Lion na si Robert Bolick.

Tangka ng Batang Pier na maging kaakbay ni Pringle si Bolick bilang pinakabagong backcourt partner nito sa pagkakapunta ni Romeo sa TNT ngayong taon.

Matapos namang ibigay sina Dave Marcelo at Alex Mallari sa Phoenix, NLEX na ngayon ang may-ari sa fourth pick, kasunod ng Meralco, Rain or Shine (mula sa TNT), NLEX, Rain or Shine, Alaska, Magnolia, Columbian (mula sa SMB) at Phoenix (mula sa Ginebra).

Ilan sa mga inaasa­hang aabutan ng mga na­turang koponan ay ang mga matunog na first rounders na sina Paul De­si­derio, Abu Tratter, Javee Mocon, Bong Quinto, Michael Calisaan, Matt Salem, Jayjay Alejandro at Trevis Jackson.

Hindi naman pahuhuli ang mga Draft Combine standouts na sina CJ Isit ng Mapua at MVP JP Calvo ng Letran gayundin ang nagpasiklab sa skill tests na sina Jeepy Faundo, Joe Allen Trinidad, John Ragasa at Dan Wong.

 

 

OVERALL PICK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with