^

PM Sports

Parang beterano kung gumalaw si Parks Jr.

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Parang beterano kung gumalaw si Parks Jr.
Bobby Ray Parks Jr.

MANILA, Philippines — Isang beterano at hindi bagito na maituturing ni Bobby Ray Parks Jr. ang kanyang sarili papasok sa pinaka-inaabangang 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Annual Rookie Draft sa Linggo.

Ito ang paniwala ni Parks Jr. bunsod ng kanyang malalim na kanyang karanasan kumpara sa ibang karibal na rookies sa nakalipas na ilang taon bago ang pagpasok sa PBA.

“I don’t really consider myself as a rookie. It’s my first year in this league but I felt like I’ve had enough experiences playing professionally,” sabi ng 25-anyos na player.

Para sa dating anak ng seven-time PBA Best Import na si Bobby, alyas na ‘rookie’ lamang kung siya ay maituturing subalit propesyunal na talaga dahil sa limang taong karanasan simula nang magtapos sa National University noong 2013.

Taliwas aniya ito sa paniniwala ng iba na bagama’t hindi pa naglalaro sa PBA ay hindi pa propesyunal na maituturing.

“People get the misconception that if you don’t play in the PBA, you’re still not a pro but you can play in so many different leagues and be a professional,” dagdag ni Parks Jr. “I’ve played in many professional leagues, local and across Asia so I consider myself a professional.”

Naglaro na siya sa iba’t ibang propesyunal na liga sa buong mundo bago ang pinakahihintay ng marami na PBA transition.

Matapos magwagi ng dalawang Most Valuable Player sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP), naglaro si Parks Jr para sa Dallas Mave-ricks sa National Basketball Association (NBA) Summer League gayundin para sa Texas Legends sa NBA Developmental League.

Ngayong taon lang, pinagharian niya ang presitihiyosong Asean Basketball League (ABL) nang gabayan sa kampeonato ang San Miguel-Alab Pilipinas bukod pa ang magkasunod na Local MVP awards.

Dagdag ito sa kanyang MVP rin at kampeonato sa PBA D-League sahog pa ang tatlong gintong medalya sa Southeast Asian Games bilang miyembro ng pambansang koponan.

vuukle comment

BOBBY RAY PARKS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with