^

PM Sports

Phl-NU Spikers tinalo ang Malaysia

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakabawi ang Philippines na kinatawan ng reigning UAAP men’s champion National University sa pagkatalo sa second set upang igupo ang Malaysia, 25-14, 23-25, 25-23, 25-20 para makasiguro ng semifinals berth nitong Miyerkules sa 19th ASEAN University Games volleyball tournament sa Naypyitaw, Myanmar.

Nagpakawala si Angelo Almendras ng pamatay na kill upang ibigay sa mga Pinoy ang  2-1 set lead.

Nagtulong naman sina Bryan Bagunas at Almendras sa fourth set tungo sa pag-sweep ng Philippines sa Pool A.

Makakalaban ng mga Pinoy ang No. 2 team sa Pool B sa semifinals na gagawin ngayon.

Ang Indonesia at Singapore na may parehong 0-1 records ay naglalaban pa para sa huling semis berth sa kanilang bracket.

Nauna nang sinilat ng Philippines ang defending champion na Thailand, 30-28, 25-23, 25-19 noong Linggo.

Matapos malasap ang ikalawang sunod na talo, nalaglag ang mga Malaysians sa laban para sa fifth and sixth slots.

Tinalo naman ng host na Myanmar ang Singapore, 25-13, 25-14, 25-11 noong Martes upang maging top team ng Pool B sa kanilang 2-0 win-loss slate.

Makakaharap ng mga Burmese ang mga  Thais na pumangalawa sa Pool A sa taglay na 1-1 slate, sa isa pang semifinal pairing.

vuukle comment

MALAYSIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with