Sparmate ni Manny bilib sa kanya
Russell Cadayona (Pang-masa) - December 13, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Sa kanyang nakikita sa sparring session nila ni Manny Pacquiao ay walang duda si sparring partner George Kambosos, Jr. na mapapabagsak ng Filipino world eight-division champion si American challenger Adrien Broner.

Kumpiyansa si Kambosos na taglay pa rin ni Pacquiao, ipagdiriwang ang kanyang ika-40 kaarawan sa Disyembre 17, ang kinatatakutang ‘knockout power’’.

“I expect Manny to win every round, win convincingly,” sabi ni Kambosos.

Nauna na itong ipinakita ni Pacquiao matapos umiskor ng isang seventh-round TKO victory laban kay Lucas Matthysse ng Argentina sa kanilang welterweight championship fight noong Hulyo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang napanalunang World Boxing Association welterweight belt ang siyang itataya ni Pacquiao (60-7-2, 39 KOs) laban sa 29-anyos na si Broner (33-3-1, 24 KOs) sa Enero 19 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ang naturang tatlong kabiguan ni Broner ay sa pamamagitan ng unanimous decision laban kina Marcos Maidana, Shawn Porter at Mikey Garcia.

Para paghandaan si Broner ay muling tinapik ni Pacquiao si Hall of Fame trainer Freddie Roach para tumayong training supervisor, habang patuloy na magsisilbi ang kababatang si Buboy Fernandez bilang chief trainer.

Kagaya ni Pacquiao ay maigting na rin ang ginagawang pahahanda ni Broner sa United States.

Inaasahang bibiyahe ang Team Pacquiao patungong US ngayong araw para sa kanyang training camp.

Hindi nakapag-ensayo si Pacquiao noong Martes ng hapon bunga ng mahabang trabaho sa Senado at sa halip ay naglaro na lamang ng basketball kinagabihan.

MANNY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with