^

PM Sports

Sepfourteen nanguna sa Presidential Gold Cup

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanalo ang kabayong Sepfourteen na sinakyan ni jockey JA Guce sa “46th Presidential Gold Cup Race” noong Linggo sa pista ng San Lazaro Leisure and Business Park sa Carmona, Cavite.

 

Tumataginting na P4,000,000 ang naiuwi ng Sepfourteen sa may-ari nitong SC Stockfarm Incorporated at may karagdagan pang P300,000 bilang premyo ng pumang-apat na Radio Active na coupled entry ng nanalong kabayo.

Sa nasabing karera ay pinagtulungan ng magkakamping Sepfourteen at Radio Active ang liyamadong Salt and Pepper na sinakyan ni jockey Jonathan Hernandez na naging dahilan para hindi ito makaporma sa unahan.

Pagsapit sa medya milya ay kinuha na ng tambalang Sepfourteen at jockey JA Guce ang unahan at lumayo ng may apat na katawang agwat sa nasa segunda puwestong Electric Truth.

Pagdating sa huling kurbada ay nagparemate na rin ang Pangalusian Island na ginabayan ni jockey JPA Guce kasabay ang Electric Truth ni jockey Mark Alvarez.

Sa rektahan ay lalong lumayo ang banderang Sepfourteen at tuluyang nanalo ng may lagpas sa anim na katawang agwat laban sa nasegundong  Pangalusian Island.

Nagbigay ang Forecast ng dibidendong P47.50 para sa nanalong kumbinasyon na 6-8 habang hala-gang P194.00 naman kada-isang ticket ang ibinigay na dibidendo sa Trifecta para sa nanalong kumbinasyon na 6-8-2.

Masuwerte naman ang mga kareristang tumama sa Exotic Betting Option na Winner Take All dahil P448,430.40 ang bigay na dibidendo para sa nanalong kumbinasyon na 2-5-8-5-7-1-6. - V.Nuguid

vuukle comment

PRESIDENTIAL GOLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with