^

PM Sports

Atat na si Parks Jr. pero...

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na makapaghintay si Bobby Ray Parks Jr. sa paparating na 2018 Phi-lippine Basketball Association (PBA) Annual Rookie Draft sa Disyembre 16 sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila.

 

Subalit problemado rin siya dahil posibleng hindi siya makadalo bunsod ng nataong laro din ng kanyang mother team sa ngayon na San Miguel-Alab Pilipinas sa kakasimula lang na 2018-2019 Asean Basketball League.

May laban kasi ang nagdedepensang kampeon na Alab kontra sa CLS Knights sa Indonesia sa parehong petsa kaya’t nanganganib na hindi makapunta sa draft kung saan siya ang inaasahang isa sa matunog na top rookie ngayong taon.

Ayon kay Parks Jr., nasa kamay nina Alab team manager Charlie Dy at head coach Jimmy Alapag ang desisyon kung papayagan ba siyang lumiban muna sa laro para makasama sa draft.

Kung sakali namang payagan nga si Parks Jr., mukhang kaya pa rin ng Alab na maipanalo ang laban lalo’t tinambakan nila ang CLS Knights, 94-67 noong nakaraang linggo sa Sta. Rosa, Laguna.

Isa si Parks Jr. Sa 48 na aplikante ngayong draft na susubok maabot ang kanilang pangarap ng makatapak sa PBA.

Anak ng seven-time PBA Best Import na si Bobby, pinakainaabangang rookie prospect ngayon si Parks Jr. bunsod ng kanyang solidong resume kabilang na nga ang National Basketball Association (NBA) Developmental League stint para sa Texas Legends, da­lawang University Athletic Association of the Philip-pines (UAAP) at ABL Most Valuable Player awards at tatlong gintong medalya sa Southeast Asian Games bilang miyembro ng national team.

Isa siya sa posibleng maging top pick kasama ang iba pang blue-chip rookies na sina National Collegiate Athletic Association (NCAA) MVP na si CJ Perez ng Lyceum at three-time NCAA champion na si Robert Bolick ng San Beda.

Nauna nang sinabi ng Columbian Dyip na asinta nila si Perez bilang first overall pick kaya’t matunog na sa Blackwater ang hantungan ni Parks Jr. bilang second pick ngayong taon.

Ipinahiwatig na ito ng Elite management sa pa-ngunguna ni Dioceldo Sy at coach Bong Ramos lalo’t small forward ang hanap ng Blackwater.

Samantala, inaasahan namang hindi pa makakalaro si Parks Jr. sa makakapili sa kanyang koponan sa oras na ma-draft siya dahil sa naunang commitment nito sa Alab Pilipinas. Hindi niya malalaruan ang buong Philippine Cup dahil sa Mayo pa matatapos ang ABL.

vuukle comment

BOBBY RAY PARKS JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with