^

PM Sports

NBA action sa ABS-CBN

Pang-masa

MANILA, Philippines — Araw-araw na mapapanood ng Pinoy basketball fans ang kanilang mga idol sa National Basketball Association (NBA) simula sa Biyernes hanggang sa katapusan, kabilang ang inaabangang salpukan sa araw ng Pasko ng Los Angeles Lakers at kampeong Golden State Warriors.

Magsisilbing pampagana ang laban nina LeBron James at mga bagito ng Los Angeles Lakers kontra sa mga beterano ng Houston Rockets na pinangungunahan nina James Harden at Chris Paul sa Biyernes sa alas-9 ng umaga ng Live sa S+A.

Susundan ito ng harapang John Wall at Washington Wizards laban kay Spencer Dinwiddie at ang Brooklyn Nets sa Disyembre 15 ng alas-8:30 ng umagaa sa ABS-CBN Ch. 2. Susundan ito sa S+A ng laro sa pagitan ng Minnesota Timberwolves at Phoenix Suns sa Disyembre 16, 10 am.

Sa susunod na araw naman, Disyembre 17, matutunghayan ang tunggalian sa pagitan ng nangungunang koponan sa Eastern Conference na Toronto Raptors ni Kawhi Leonard na haharapin ang pumapangatlong-pwesto sa West na Denver Nuggets, na binabanderahan naman ng kanilang mga star player na sina Jamal Murray at Nikola Jokic.

Magpapatuloy ang aksyon sa Philadelphia–San Antonio ng Disyembre 18, Cleveland–Indiana ng Disyembre 19 at Memphis-Portland sa Disyembre 20.

Mapapanood naman ang “super rookie” ng Dallas Mavericks na si Luka Doncic kaharap ang Los Angeles Clippers sa Disyembre 21, 11:30 am, na susundan ng Atlanta-New York sa ABS-CBN sa Disyembre 22 at ang paghaharap sa dalawa sa mga higante ng Eastern Conference na Toronto Raptors at Philadelphia 76ers sa Disyembre 23 ng 8:30 am sa S+A.

Hahantong ang marathon sa sagupaang pinakahihintay ng lahat simula nang mapapirma ng Lakers si LeBron James: ang paghaharap ng kanyang bagong koponan kontra sa kampeong Golden State Warriors, na mapapanood ng LIVE sa Disyembre 26 ng 9 am sa S+A. Bago ito, magbabanggaan ang Minnesota at Oklahoma City sa Disyembre 24 sa S+A.

Huwag palampasin ang Pamasko mula sa ABS-CBN Sports at NBA simula sa Biyernes (Disyembre 14) sa S+A, S+A HD, ABS-CBN at ABS-CBN HD. Para sa mga balitang NBA, bumisita lamang sa sports.abs-cbn.com/nba at sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter. Makisali sa usapan gamit ang hashtags na #NBAsaABSCBN at #NBASabaDOS.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with