^

PM Sports

Balkman bida sa unang panalo ng Alab Pilipinas

Pang-masa

MANILA, Philippines — ‘Di pinaporma ng San Miguel Alab Pilipinas ang bisitang  CLS Knights Indonesia, 94-67 sa pagsisimula ng kanilang title-retention bid sa ASEAN Basketball League sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex sa Laguna noong Linggo ng gabi.

“Di pa rin kumukupas si Renaldo Balkman, malaki ang parte sa matagumpay na championship run ng San Miguel noong nakaraang season, sa kanyang hinakot na 33 points bukod pa sa 11 rebounds, three steals at three blocks para sa unang panalo ng Beermen.

Bagama’t hindi makakasama ni Balkman ang kanyang ka-import na si Justin Brownlee, magaling din ang bago niyang partner na pareho niyang Puerto Rican na si PJ Ramos na nagtala naman ng 20 points, 13 boards at 5-assists at naging pambato rin ng Alab sa depensa.

Nag-ambag din siBobby Ray Parks, ang reigning local MVP ng 10 points  para ipalasap sa Knights ang ikaapat na talo sa limang laro.

“The key was establishing ourselves early through our defense,” sabi ni coach Jimmy Alapag ng Alab na lumamang sa 46-27 sa halftime at hindi na lumingon pa.

Nagpakitang gilas din ang mag bagong recruits ng Alab na sina Brandon Rosser, Caelan Tiongson at Ethan Alvano na magiging karagdagang lakas ng Alab.

Maglalaban uli ang Alab at CLS sa Linggo sa Indonesia.

San Miguel Alab Pilipinas 94 – Balkman 33, Ramos 20, Parks Jr. 10, Rosser 6, Domingo 6, Alvano 5, Javelona 4, Tiongson  4, Torres 3, Urbiztondo 3, Rivero 0, Alabanza 0

CLS Knights 67 – Esho 20, Hurt 19, Utomo 12, Brandon 7, Baskoro 3, Jawato 2, Wong 2, Panagan 2, Kurniawan 0, Hidayat 0, Nugroho 0.

Quarterscores: 23-14; 46-27; 74-67; 94-67.

vuukle comment

ALAB PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with