^

PM Sports

Level-up na ang training ni Pacquiao sa GenSan

Chris Co - Pang-masa
Level-up na ang training ni Pacquiao sa GenSan

MANILA, Philippines — Level up na ng training ni reigning welterweight champion Manny Pacquiao na nakasentro na sa muscle training upang mas mapalakas ang katawan nito bago sumabak kay Adrien Broner sa Enero 19 sa Las Vegas, Nevada.

Nakakumpleto na ito ng dalawang linggong training camp sa Elorde Boxing Gym sa Pasay City ngunit mas matinding pagsasanay pa ang pagdaraanan ni Pacquiao sa oras na lumipat ito sa General Santos City anumang araw ngayong linggo.

Magkakaroon ng recess ang Senado kaya’t may pagkakataon na si Pacquiao na tutukan ng husto ang training camp.

Maliban sa training camp, magdaraos din si Pacquiao ng ika-40 kaarawan sa Disyembre 17 kung saan inaasahang dudumugin ito ng ilang malalapit na kaibigan at kilalang personalidad.

“Pupunta na tayo sa plyometric workout to build muscle power,” wika ni chief trainer Buboy Fernandez.

Maliban sa plyometric workout, sasailalim si Pacquiao sa road work sa matatarik na bundok sa Maasim, Sarangani para pataasin ang stamina nito.

Kung si strength and conditioning expert Justin Fortune ang tatanungin, nasa magandang kundisyon na ang pangangatawan ni Pacquiao.

Ngunit hindi pa ito kuntento kaya’t nais pa ni Fortune na mas mapaganda pa ito.

“He’s already in shape and his physical condition is okay,” wika ni Fortune.

Kasama rin sa training camp ang ilang serye ng sparring session kasama si George Kambosos Jr.

Dumaan na sa 14 rounds ng sparring sina Pacquiao at Kambosos na inaasahang aabot sa 40 rounds sa pagtatapos ng training camp.

Matapos ang General Santos leg ng training camp, tutungo ang Team Pacquiao sa Amerika upang doon ipagpatuloy ang training kasama si American trainer Freddie Roach. Inaasahang paplantsahin na lamang ang kundisyon ni Pacquiao sa tinawag na “fine-tuning” stage ng pagsasanay.

vuukle comment

PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with