PBA Rookie Draft inaabangan
Russell Cadayona (Pang-masa) - December 6, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ngayon pa lamang ay inaabangan na ang dara-ting na 2018 PBA Rookie Draft sa Disyembre 16 sa Robinsons’ Place sa Ermita, Manila.

 

Kumpara sa mga nakaraang drafting ay papagitna naman ang mga wingmen sa pa-ngunguna nina two-time UAAP Most Valuable Player Bobby Ray Parks, Jr., NCAA champion Robert Bolick ng San Beda Red Lions, CJ Pe-rez ng Lyceum Pirates at Abu Tratter ng La Salle Green Archers.

Sina Parks at Tratter ay naging bahagi ng national team habang napasikat naman sina Bolick at Perez sa NCAA.

Ilang beses pinalampas ng 25-anyos na si Parks ang pagkakataong sumalang sa PBA Rookie Draft kung saan mas pinili niyang maglaro sa NBA Developmental League at sa Asean Basketball League.

Noong nakaraang Huwebes lamang nagdesisyon ang anak ni seven-time PBA Best Import Bobby Parks na isumite ang kanyang aplikasyon para sa annual draft.

Ang Columbian Dyip ang pipili ng magiging No. 1 overall pick matapos ang pagiging kulelat sa 2018 PBA Philippine Cup, Commissioner’s Cup at Governor’s Cup.

Nauna nang idineklara ng Dyip na hindi nila ite-trade ang kanilang top selection matapos itong ibigay sa San Miguel kapalit nina Jay-R Reyes, Ronald Tubid, Rashawn McCarthy at draft pick.

Ang naturang draft pick ang ginamit ng Beermen para mahugot si 6-foot-8 Fil-German Christian Standhardinger.

Inaasahang makukuha sa first round sina Parks, Bolick, Perez at Tratter.

PBA ROOKIE DRAFT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with