Pa-drive si Donovan Mitchell ng Utah laban kay Patty Mills ng San Antonio.
Jazz dinurog ang Spurs
(Pang-masa) - December 6, 2018 - 12:00am

SALT LAKE CITY — Humataw si Donovan Mitchell ng 20 points at kumolekta si center Rudy Gobert ng 18 points at 10 rebounds para pamunuan ang Utah Jazz sa 139-105 paglampaso sa bisitang San Antonio Spurs.

 

Nagdagdag si Kyle Korver ng 15 points para sa una niyang home game sa pagbabalik niya sa Jazz, habang tumipa si Derrick Favors ng 14 points.

“It was a great first night back. I have a lot of good memories of this place,” sabi ni Korver na nagmula sa Cleveland Cavaliers. “We played really good basketball. The ball was moving. We were playing for each other.”

Pinamunuan naman ni Jakob Poeltl ang Spurs mula sa kanyang career-high na 20 points, samantalang nagdagdag sina DeMar DeRozan at LaMarcus Aldridge ng tig-16 points.

Nakalapit ang San Antonio sa 53-67 agwat sa pagsisimula ng third quarter, ngunit matapos ang tatlong minuto ay nagsalpak sina Mitchell at Ingles ng back-to-back 3-pointers para muling ilayo ang Utah sa 84-59.

Sa Phoenix, naglista si Buddy Hield ng 20 points habang nagposte si De’Aaron Fox ng 16 points at 7 assists para akayin ang Sacramento sa 122-105 paggupo sa Suns.

Pitong Kings player ang umiskor sa double figures, kasama ang 14 markers ni Bogdan Bogdanovic mula sa bench.

Ito ang ikalawang sunod na ratsada ng Sacramento matapos ang tatlong sunod na kamalasan.

Binanderahan ni rookie De’Anthony Melton ang Phoenix mula sa kanyang career-high na 21 points kasunod ang tig-14 markers nina Trevor Ariza at Josh Jackson.

Ito ang pang-anim na dikit na kabiguan ng Suns at siyam sa huling 10 laro.

Naglaro ang Phoenix na wala sina leading scorer Devin Booker at forward TJ Warren.

Sa Dallas, humakot si Luka Doncic ng 21 points at nagdagdag si Wesley Matthews ng 17 markers para banderahan ang Mavericks sa 111-102 panalo kontra sa Portland.

DONOVAN MITCHELL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with