^

PM Sports

Christmas party ng SPEEd dinaluhan ng mga industry giant!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nag-attend kami ng isang Christmas party, napakaaga pa, pero iyan ang isang party na mahirap ma-miss. Iyon ang Christmas party ng Society of Philippine Entertainment Editors, o SPEEd.

Hindi iyan iyong showbiz party na dinadagsa ng mga artista sa pelikula at telebisyon. Iyan ay isang simpleng party ng mga magkakaibigan sa showbusiness. Iyan iyong mga taong talagang kahit na ilang oras lang, gusto magkasama-sama dahil magkakaibigan sila, at gusto nilang magkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng isang friendly gathering. Iyon kasing mga party sa showbiz, more than not promo pa rin iyan ng mga pelikula nila sa festival, o ng mga artistang gusto nilang pasikatin.

Iyang SPEEd ay isang grupong aming pinaniniwalaan, hindi lamang dahil sa binubuo iyan ng mga respetado lamang na entertainment editors, lalo na sa panahong ito, kung hindi kagaya nga ng sinasabi namin, iyan ay isang samahan na pinaniniwalaan namin ang awards. Iyan po ang masasabi na­ming awards na “hindi nabibili” at iyang mga miyembro ng SPEED lalo na ngayon ay alam naming “hindi masusuhulan.”

Hindi mo sila mahihikayat na paboran ka sa awards kung maglalagay ka o magyayaya ka sa trips abroad o kung ano pa man. Iyan ang maganda sa kanila, napanatili nila ang kalinisan sa kanilang awards. Aba, nakataya riyan hindi lamang ang pangalan nila kung di lalo na ang pangalan ng kanilang mga diyaryo. Hindi naman iyan kagaya ng ibang mga diyaryong hotoy-hotoy lang na sabihin mo mang corrupt ang mga tao. Pero kung ikaw ay nasa isang lehitimong diyaryo, hindi mo isusugal ang pangalan ng kumpanya mo.

Pero masaya ang kanilang Christmas party. Dumating ang isang industry giant, si Mother Lily, na hindi mo naman basta-basta mapapapunta sa isang party. Nandoon ang mga Kapamilya at mga Kapuso. Iyong GMA-7 represented pa ng isang Senior Vice President ng kumpanya, si Angel Javier Cruz. Sabihin na nating naroroon ang mga “people who matter”.

Iyan ang kanilang ika-apat na Christmas party simula nang itatag ang SPEEd, at napansin namin na mukhang taun-taon pasaya nang pasaya ang party nila.

Maricel never bumili ng award!

May isang TV network executive na kakuwentuhan namin noong party ng SPEEd, at sinasabi niya “tama pala ang sinasabi ni Maricel Soriano. Kaunti lang ang kanyang awards, pero hindi masasabing bumili siya ng award at wala siyang ginastos para sa isang award kahit na singko.”

Tama po iyon, pero hindi lang si Maricel ang ganoon. Mara­ming mga artista na hindi naman bumibili ng awards. Para sa kanila, papanalunin mo sila, bonus na lang iyon dahil binayaran naman sila ng talent fee bilang isang artista. Pero mayroon talagang nagpipilit na manalo ng awards.

May narinig pa kaming kuwento noong isang nagpa-withdraw sa bangko ng 200 thousand bago ang isang awards night. Mayroon naman kasing mga award giving body na ganoon. Minsan hindi man nila mahingan sa una, basta may nanalo na, gusto naman nilang bigyan sila ng blowout bilang thanksgiving at alam na ninyo kung ano iyon.

Talaga namang iyang awards ay nagiging negosyo na rin eh, kaya naman hindi lahat ng awards ay pinaniniwalaan. Mayroon ngang awards na hindi pinapansin eh. Lumalabas lang sa Facebook, at ang nagbabalita lamang ay iyong nanalo ng award.

Mabuti mayroon pang SPEEd na malinis ang ibinibigay na mga awards.

SPEED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with