_pang-masa
^
Clippers dinaig ang Kings
Pilit na kumawala si Tobias Harris ng Clippers sa depensa ni forward Nemanja Bjelica ng Kings.

Clippers dinaig ang Kings

(Pang-masa) - December 1, 2018 - 12:00am

SACRAMENTO, California — Nagpasabog si Tobias Harris ng 28 points, habang nagdagdag si Montrezl Harrell ng 24 markers para pangunahan ang bisitang Los Angeles Clippers sa 133-121 pagdaig sa Kings.

Nag-ambag si Shai Gilgeous-Alexander ng 17 points kasunod ang tig-16 markers nina Ave­ry Bradley at Danilo Gallinari para sa pang-siyam na panalo ng Clip­pers sa huli nilang 10 laban.

Ito rin ang pang-12 su­nod na tagumpay ng Los Angeles kontra sa Sac­­ra­mento.

Humataw naman si Bogdan Bogdanovic ng career-high 26 points sa panig ng Kings, samantalang kumolekta si Marvin Bagley III ng 18 points at 10 rebounds.

Sa Toronto, tumipa si Kawhi Leonard ng sea­son-high 37 points, habang nagdagdag si Pas­cal Siakam ng career-high 26 markers para akayin ang Raptors sa 131-128 overtime win kontra sa bisitang Gol­­den State Warrirors.

Ito ang pang-pitong su­nod na arangkada ng Toronto na nalampa­san ang ipinukol na 51 points ni Kevin Durant pa­ra sa Golden State.

Nagtala si star point guard Kyle Lowry ng 10 points at 12 assists at kumolekta sina Serge Ibaka at Danny Green ng 20 at 13 markers, ayon sa pagkakasunod.

Nag-ambag si Klay Thompson ng 23 points, habang humugot si Jonas Jerebko ng 16 sa kan­yang 20 markers sa fourth quarter at overtime.

Sa Los Angeles, inis­kor ni LeBron James ang 12 sa kanyang 38 points sa huling limang minuto ng fourth quarter para ibangon ang La­kers sa magkasunod na pagkatalo sa loob ng isang buwan sa pamamagitan ng 104-96 paggupo sa Indiana Pa­cers.

KINGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with