_pang-masa
^

PM Sports

Standhardinger, Lee, Banchero mahigpit ang labanan

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Standhardinger, Lee, Banchero mahigpit ang labanan

MANILA, Philippines — Dikdikan ang labanan ng tatlong manlalaro na sina Christian Standhardinger, Paul Lee at Chris Banchero sa karera ng Best Player of the Conference papasok sa finals ng 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup sa susunod na linggo.

Nasa unahan si Standhardinger ng San Miguel simula pa noong eliminations subalit pinalakas nina Lee ng Magnolia at Banchero ang kanilang laban para sa BPC matapos buhatin sa championship ng season-ending conference ang kanilang mga koponan.

Kasalukuyang may 41.9 statistical points si Standhardinger para pa-ngunahan ang MVP race subalit bigong maitulak sa Finals ang Beermen na maaaring ikatalo niya para sa pinakamataas na individual award.

Pumapangalawa si Stanley Pringle (34 SPs) ng Northport at tersera naman si Japeth Aguilar (32.9 SPs) ng Ginebra subalit gaya ni Standhardinger ay hindi rin nakarating sa championship.

Dito papasok ngayon ang malakas na pag-asa nina Lee (31.64 SPs) at Banchero (31.56 SPs) bagama’t nasa ikapaat at ikalimang puwesto dahil nakaabot sila sa Finals ng Governors’ Cup.

Papasok sa Finals ay mayroong rehistro na 17.64 puntos, 4.43 rebounds, 3.14 assists at 1.86 steals si Lee habang si Banchero naman ay may 14.6 puntos, 4.6 rebounds, 1.0 steals at league-best na 7.13 na assists.

Mayroong tsansa ang dalawa na masiguro ang BPC trophy sa simula ng best-of-seven Finals sa Dis-yembre 5 sa kabila ng kalamangan ni Standhardinger dahil wala pang nananalo ng BPC sa kasaysayan na hanggang quarterfinals lang ang narating.

Samantala, humantong sa one-on-one Best Import battle sa pagitan nina Mike Harris ng Alaska at Romeo Travis ng Magnolia dahil sa sila na lamang ang natitirang nakatayong reinforcements ng season-ending conference.

Bahagyang lider ng karera si Harris bunsod ng halimaw niyang numero na 30.31 puntos, 20.69 rebounds, 2.81 assists, 1.13 steals at 1.0 na supalpal papasok ng Finals habang mayroon namang 24.5 puntos, 14.8 rebounds, 4.81 assists at 2.0 steals si Travis.

Sinibak ng dalawang imports ang mga dating kandidatong sina Justin Brownlee ng Ginebra, Eugene Phelps ng Phoenix, Allen Durham ng Meralco, Henry Walker ng Blackwater at Aaron Fuller ng NLEX na sibak na sa kontensiyon.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with