^

PM Sports

Roach makakatulong sa pagsasanay ni Pacquiao kontra kay Broner

Russell Cadayona - Pang-masa
Roach makakatulong sa pagsasanay ni Pacquiao kontra kay Broner
Sina Manny Pacquiao at Adrien Broner sa Los Angeles.

MANILA, Philippines — Sa unang pagkakata­on matapos noong Hul­yo ng 2017 ay muling nag­kita sina Manny Pacquiao at long-time chief trainer Freddie Roach.

Nangyari ito sa ikala­wang press conference pa­ra sa laban nina Pacquiao at American challenger Adrien Broner sa Beverly Hills sa Los Angeles, California.

Ini­­­hayag ni Pacquiao sa press conference sa New York ang muling pagkuha sa 58-anyos na si Roach bilang training su­pervisor para makatulong ni Filipino head trai­ner Buboy Fernandez.

May agam-agam si Fer­nandez na magkaka­roon ng negatibong pagtanggap sa Team Pacquiao ang paghugot kay Roach.

“All I’m saying is is that I think the other (duties) in training, we should assign to Buboy to do that. My idea is to have Buboy handle the mitts and have Freddie just supervise,” pa­liwanag ni Pacquiao.

Ito ang unang pagka­kataon na nagkausap sina Pac­quiao at Roach matapos matalo ang Filipino world eight-division king kay Jeff Horn no­ong 2017 sa Brisbane, Australia.

Itataya ni Pacquiao (60-7-2, 39 KOs) ang su­ot na World Boxing As­so­ciation welterweight title laban kay Bro­ner (33-3-1, 24 KOs) sa Ene­ro 19 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Naniniwala ang 39-anyos na si Pacquiao na malaki ang maitutulong ng eksperyensa ni Roach sa kanyang paghahanda laban sa 29-anyos na si Broner.

“I don’t have any problem with Freddie Roach. I always include him on my team,” ani Pacquiao bago ang formal portion ng Los Angeles news conference.

Matapos ilaglag si Roach ay hinirang ni Pac­­­quiao ang kababatang si Fernandez bilang bagong chief trainer na nagresulta sa kan­yang seventh-round TKO victory laban kay Lu­­cas Matthysse ng Ar­gen­tina noong Hulyo sa Kua­la Lumpur, Malaysia.

vuukle comment

FREDDIE ROACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with