^

PM Sports

Pocari tumangay ng panalo

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibinuhos ng Pocari-Air Force ang ngitngit sa Adamson University nang itarak ang 25-18, 25-20, 25-23, upang ma­garbong tapusin ang kampanya sa Premier Vol­leyball League Season 2 Open Conference kagabi sa Batangas City Coliseum.

Naramdaman na naman ang ‘Bagyong Pablo’ matapos humataw si Reinforced Conference MVP Myla Pablo ng 15 attacks at isang block para sa Lady Warriors.

“Nag-usap kami na kailangan naming ma­nalo para naman maganda ang standing namin. Kami naman ibi­nigay na­min ang best na­min as a team kahit hin­di ka­mi nakapasok sa Final Four,” wika ni Pablo, isa sa mga kandidato para sa Conference MVP award.

Nagbigay din ng kon­tribusyon sa opensa si­na outside hitter Mary Ann Pantino at Iari Yongco kasama si playmaker Wendy Anne Semana, habang minanduhan nina Del Palomata at Jeanette Panaga ang depensa sa net.

Tinapos ng PocariAir Force ang kampan­ya sa torneo tangan ang 7-7 rekord.

Nalaglag naman ang Adamson sa 0-12 ba­ra­ha.

Tsansa na sana ng La­dy Falcons na ma-extend sa fourth set ang laban nang kunin ang 18-12 kalamangan sa third frame.

Subalit naglunsad ang Lady Warriors ng 8-0 atake sa likod nina Pantino, Palomata at Yongco para maagaw ang bentahe sa 20-12.

Ito ang nagbalik sa kumpiyansa ng Pocari-Air Force para makuha ang panalo.

Noong 2017 ay nag­reyna ang Pocari sa Reinforced Conference.

Sa unang pagkakataon ay nabigo naman ang Lady Warriors na makapasok sa semis.

vuukle comment

PREMIER VOL­LEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with