^

PM Sports

Petron ayaw madungisan

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mapanatiling malinis ang record ang tatangkain ng nagdedepensang Petron sa pagsagupa nito sa Sta. Lucia Realty sa pagpapatuloy ng Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Nais ng Blaze Spikers na dugtungan ang kanilang five-game winning streak sa kanilang duwelo ng Lady Realtors sa alas-4:15 ng hapon.

Hangad naman ng Foton na makabawi sa masaklap na kabiguan sa F2 Logistics sa pakikipagtipan nito sa Cocolife sa alas-2.

Masisilayan din ang bakbakan ng Cignal at Smart Giga Hitters sa alas-7 ng gabi.

Pinapaborang manalo ang Petron na unti-unti nang lumalabas ang bangis matapos kubrahin ang limang sunod na panalo kabilang ang 25-22, 25-16, 25-19 demolisyon sa Cignal noong Sabado sa Caloocan Sports Complex.

Sa kabila ng mataas na momentum, wala sa isip ng Blaze Spikers na maging kumpiyansa.

“Marami pa kaming dapat ayusin sa team kaya kailangan pa rin naming magsipag sa training,” wika ni Petron middle hitter Mika Reyes.

Maliban kay Reyes, aasahan din ng Petron sina wing spikers Ces Molina, Sisi Rondina at Bernadeth Pons gayundin sina Aiza Maizo-Pontillas, Remy Palma at veteran playmaker Rhea Dimaculangan.

Wala pa ring panalo ang Lady Realtors sa anim na laro. Yumuko ang Sta. Lucia sa Cocolife sa kanilang huling pagsalang.

Kaya naman uhaw ang Lady Realtors na makasampa sa win column para magkaroon ng magandang momentum bago sumalang sa second round.

Papalo para sa Sta. Lucia sina dating Ateneo de Manila University ace Jhoana Maraguinot, team captain Pamela Lastimosa at seasoned middle blocker Mic Mic Laborte.

Sa kabilang banda, target ng Cignal na maibalik ang porma ang kanilang kampanya.

“I want them to be more confident against any team – be it a team-to-beat like Petron or any other team,” ani Cignal coach Edgar Barroga.

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with