^

PM Sports

Gilas Pilipinas kikilatisin ng Jordan

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Gilas Pilipinas kikilatisin ng Jordan
June Mar Fajardo

MANILA, Philippines — Makikilatis ang tikas ng Gilas Pilipinas nga-yon sa unang opisyal na tune-up game nila bilang bagong koponan kontra sa Jordan sa Meralco Gym papalapit sa mahalagang laban nila sa fifth window ng 2019 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers.

Magaganap ang kanilang sagupaan sa ganap na alas-8 ng gabi bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa magkaibang katunggali sa dulo ng buwang ito.

Lalabanan ng Gilas ang Kazakhstan sa Nobyembre 30 at Iran sa Disyembre 3 sa Mall of Asia Arena habang dadayuhin ng Jordan ang New Zealand at Korea sa parehong mga petsa kaya’t nagtakda sila ng tune-up games dito sa Pilipinas.

Gigiyahan nina four-time Most Valuable Player June Mar Fajardo at two-time Best Point Guard in Asia na si Jayson Castro ang koponan kasama ang iba pang 12 manlalaro mula sa 20-man pool na isasalang ni head coach Yeng Guiao.

Bahagi rin ng roster ni Guiao para sa naturang friendly game sina Marcio Lassiter, Gabe Norwood, Matthew Wright, Troy Rosario, Arwind Santos, Christian Standhardinger, JP Erram, Beau Belga, Alex Cabagnot at Christian Standhardinger.

Plano ring isabak ni Guiao ang mga Gilas cadets na sina Kai Sotto at Ricci Rivero upang masanay na agad sila sa international basketball play sa kaagahan ng kanilang career bilang mga future ng Philippine basketball.

Ang mga nasabing manlalaro pa lang posibleng sumalang sa unang scrimmage ng Gilas dahil sila pa lamang ang nakapagsanay sa unang tatlong araw ng ensayo nila sa nakalipas na linggo bunsod ng katatapos lang na semi-finals ng 2018 PBA Governors’ Cup.

Sa pagtatapos ng naturang semis sa pagitan ng Magnolia at Ginebra, inaasahang magpapakita na rin sa ensayo sina LA Tenorio, Scottie Thompson, Greg Slaughter at Japeth Aguilar ng Ginebra gayundin sina Paul Lee at Ian Sangalang ng Magnolia.

Sa oras na makapagsanay na rin sila simula bukas ay siguradong isasalang na rin sila ni Guiao sa mga susunod na tune-up games ng Gilas.

Matapos ang unang tune up sa Lunes, muling haharap ang Gilas sa Jordan sa isa pang pagkaka-taon sa Miyerkules bago subukin naman ang palaban ding Lebanon sa Nobyembre 23 at 25.

vuukle comment

JUNE MAR FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with