^

PM Sports

Butler naasahan uli ng Philadelphia

Pang-masa
Butler naasahan uli ng Philadelphia
Naghanap ng mapapasahan si 76ers center Joel Embiid dahil sa mahigpti na pagbabantay ni Cody Zeller ng Hornets.

CHARLOTTE, N.C. — Isinalpak ni Jimmy Butler ang isang three-pointer sa pagtunog ng final buzzer sa overtime at nalampasan ng Philadelphia 76ers ang career-high na 60 points ni Kemba Walker para gibain ang Charlotte Hornets, 122-119.

Ito ang ikalawang panalong ibinigay ni Butler para sa 76ers.

Sinupalpal ni Butler ang tira ni Walker sa posesyon ng Hornets at ibinigay ang bola sa kanyang teammate sa huling 15 segundo ng extension period na nagresulta sa kanyang winning jumper laban sa depensa ni Dwayne Bacon.

Tumapos si center Joel Embiid na may 33 points at 11 rebounds habang nagdagdag si Ben Simmons ng 23 points, 11 rebounds at 9 assists para sa ikatlong panalo ng Philadelphia laban sa Charlotte nga-yong season.

Nag-ambag si Butler ng 15 points sa kanyang ikatlong laro para sa bago niyang koponan, samantalang may 23 markers si JJ Redick tampok ang da-lawang krusyal na jumpers sa overtime.

Ang 60 points naman ni Walker ang pinakamarami ngayong season na nagbasura sa naunang 52 markers ni Klay Thompson ng Golden State Warriors laban sa Chicago Bulls noong Oktubre 29.

Nagtala si Walker ng 21-of-34 fieldgoal shooting at may anim na 3-pointers at ang perpek-tong 12-of-12 clip sa foul line para sa Hornets.

Sa Phoenix, tumipa si Paul George ng 32 points habang nagdagdag ng 26 markers si Steven Adams para pamunuan ang Oklahoma City Thunder sa 110-100 panalo laban sa Suns at ilista ang kanilang ika-10 panalo sa huling 11 laro.

Muling naglaro ang Thunder na wala si Russell Westbrook sa ikaanim na sunod na laban.

Nanguna naman sina T.J. Warren at Deandre Ayton para sa Phoenix sa kanilang 23 at 21 points, ayon sa pagkakasunod habang may 16 markers si Devin Booker.

Sa Chicago, naglista si Fred VanVleet ng 18 points habang nag-ambag sina Danny Green at Serge Ibaka ng 17 at 16 markers, ayon sa pagkakasunod para tulungan ang Raptors na makuha ang 122-83 tagumpay kontra sa Bulls.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with