^

PM Sports

Petron Blaze Spikers may 2 super imports

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi pa man natatapos ang All-Filipino Conference, inaabangan na ang Petron Blaze Spikers sa 2019 Philippine Superliga Grand Prix matapos makumpirma ang pagkuha nito sa dalawang super imports.

Pormal nang inihayag ni American outside hitter Stephanie Niemer ang nakatakda nitong pagbabalik sa bansa sa Enero sa kaniyang Instagram account upang muling tulungan ang kampanya ng Blaze Spikers sa import-laden conference.

Nais ni Niemer na tapusin ang unfinished business nito sa Pilipinas nang magtapos lamang bilang runner-up ang Petron sa Grand Prix noong 2016 makaraang matalo sa Foton Tornadoes sa finals.

Kaya naman sabik na si Niemer na muling makasama ang mga teammates nito at ang kanyang mga fans na itinuturing nitong ‘best fans’ sa kaniyang volleyball career.

“In January, I’ll make my way back to the Philippines to play for #Petron I’m excited to get back to playing in front of the best fans with some of my favorites! Same country, same team, different result,” ani Niemer sa kanyang post sa social media.

Nagpahiwatig din ang 29-anyos wing spiker na posibleng ito na ang huling kumperensiyang lalaruan niya bago magretiro.

“When it comes to volleyball, I’m not sure what my word means these days, but I believe it’s time for the #swansong,” ani Niemer.

Bahagi si Niemer ng PSL Selection na naging kinatawan ng Pilipinas sa 2016 Women’s World Club Championship na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Makakatuwang ni Niemer sa kampanya ng Petron ang isa pang matikas na outside hitter na si Kat Bell na siyang nakasama ng Blaze Spikers nang mabawi nito ang 2018 Grand Prix crown.

Magugunitang nagpasabog si Bell ng 42 puntos sa Game 2 ng Petron-F2 Logistics finals sa Grand Prix.

Pinaplantsa na lamang ng Petron management ang ilang dokumento ni Bell bago ito tuluyang magsimula ng ensayo sa Enero.

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with