^

PM Sports

Petecio, Magno nalaglag

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nalagasan pa ng dalawang miyembro ang national boxing team sa prestihiyosong 2018 AIBA Women’s World Boxing Championships na ginaganap sa KD Jadhav Indoor Stadium sa New Delhi, India.

Bigong umabante sina dating World Championships silver medalist Nesthy Petecio (featherweight 57 kgs.) at Irish Magno (flyweight 51 kgs) matapos matalo sa kani-kaniyang dibisyon.

Sorpresang lumasap ng unanimous decision loss si Petecio laban kay unseeded fighter Yeni Marcela Arias Castaneda ng Colombia.

Pumabor ang apat na European judges at isang hurado mula sa Zimbabwe sa Colombian bet sa iskor na 29-28, 30-27, 29-28, 29-28 at 29-28.

Hindi rin umubra si Magno kontra kay Chang Yuan ng China na nakakuha ng 4-1 desisyon.

Tanging ang Polish judge lamang ang bumoto kay Magno sa iskor na 29-28 habang may 29-28, 30-27, 29-28 at 29-28 desisyon ang apat na natirang hurado.

Reresbak ang dalawa pang pambato ng Pilipinas na sina Aira Villegas (bantamweight 54 kgs) at dating world champion Josie Gabuco (light flyweight 45-48 kgs.) na mapapalaban sa kani-kaniyang beteranong karibal.

Lalarga si Villegas sa second round laban kay Peamwilai Laopeam ng Thailand habang aariba naman si Gabuco laban kay Wu Yu ng China.

Nauna nang yumuko si Carolyn Calungsod na natalo kay Caroline Veyre ng Canada sa first round ng lightweight (60 kgs) division.

vuukle comment

AIBA WOMEN’S WORLD BOXING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with