^

PM Sports

May pag-asa pa ang Pocari-AF sa semis

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinayuko ng Pocari-Air Force ang Iriga-Navy, 25-23, 25-20, 25-20 upang buhayin ang tsansa nito sa semis ng Premier Volleyball League Season 2 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagtulung-tulong sina dating MVP Myla Pablo at middle hitters Del Palomata at Jeanette Panaga para buhatin ang kanilang tropa sa panalo.

Naglista si Pablo ng 11 hits habang nagtarak naman si Palomata ng 10 attack sa matikas na opensa ng Lady Warriors.

Nanguna naman si Panaga sa net defense makaraang magtala ito ng apat na blocks kasama pa ang tatlong attacks.

Nasiguro ng Lady Warriors ang ikaanim na panalo para saluhan ang Tacloban Fighting Warays sa No. 5 spot hawak ang magkatulad na 6-7 baraha.

Ngunit nakasalalay ang kinabukasan ng Lady Warriors at Fighting Warays sa maging resulta ng laro ng Petro Gazz at Adamson University.

Kung mananalo ang Gazz Angels sa Lady Falcons, awtomatiko nitong masusungkit ang huling tiket sa semis para samahan ang BanKo Perlas (10-3), Ateneo de Manila University (10-4) at Creamline (9-3).

Tuluyan nang masisibak ang Pocari-Air Force at Tacloban anuman ang mangyari sa kanilang mga nalalabing laro. Tinapos naman ng Lady Oragons ang kampanya nito tangan ang 3-11 rekord.

Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaro pa ang Petro Gazz at Creamline kagabi kung saan ang panalo ng Gazz Angels ang pormal na kukumpleto ng cast ng semifinals.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with