^

PM Sports

Petron malinis pa rin sa 5-0

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matikas na inilampaso ng nagdedepensang Petron ang Cignal sa pamamagitan ng 25-22, 25-16, 25-19 demolisyon upang manatiling malinis ang kanilang rekord sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa Caloocan Sports Complex.

Hindi nakaporma sa Blaze Spikers ang HD Spikers matapos pamunuan ni Ces Molina ang opensa ng kanilang tropa para tuluyang masungkit ang ikalimang sunod na panalo at mapagtibay ang kanilang kapit sa solong pamumuno.

“Nag-stick lang kami sa plan namin. Kung anu ‘yung ginagawa naming sa training kung ano lang ‘yung goal naming ‘yun ang naging key naming. Happy kami na tuluy-tuloy ‘yung winning streak naming sana ma-maintain namin ito hanggang sa huli. Kailangan pagtuunan pa namin ‘yung mga pagkukulang namin,” ani Molina na umiskor ng 12 attacks, dala-wang aces at isang block.

Nakakuha naman si Molina ng suporta mula kay middle hitter Mika Reyes na gumawa ng 11 puntos galing sa pitong attacks at tigalawang blocks at aces.

Nalaglag sa 3-3 rekord ang HD Spikers.

Sa unang laro, patuloy ang mainit na ratsada ng Generika-Ayala matapos payukuin ang Smart Giga Hitters, 25-19, 25-12, 25-15, para sumulong sa 3-3 baraha.

Mainit pa rin ang palad ni Patty Orendain na nagpakawala ng 18 points, 13 digs at 10 excellent receptions habang nakakuha naman sina Angeli Araneta at Ria Meneses ng pinagsamang 15 markers para sa Lifesavers.

Sa Collegiate Grand Slam, sinakmal ng University of Santo Tomas ang ikalawang sunod na panalo makaraang igupo nito ang Far Eastern University, 25-16, 13-25, 25-17, 25-15, para sumalo sa liderato kasama ang University of the Philippines na may ka-tulad na 2-0 rekord.

vuukle comment

PETRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with