^

PM Sports

Tacloban puwede pa

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naiselyo ng Tacloban Fighting Warays ang 25-11, 25-12, 25-19 mabilis na panalo laban sa Adamson University para manatiling buhay ang pag-asa nito sa semifinals ng Premier Volleyball League Season 2 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Tunay na maasahan si University of Santo Tomas standout Dimdim Pacres na nagpakawala ng 17 puntos mula sa 14 attacks, dalawang aces at isang block para banderahan ang Fighting Warays sa panalo.

“Every game is a championship game. Yun ang parating sinasabi sa amin ng coaching staff. Kahit anong mangyari kahit mataas ang bolang ibinigay sa akin ng setter namin, yung nasa isip ko kailangang patayin ko yung bola,” wika ni Pacres.

Umangat ang Fighting Warays sa 6-7 baraha para bahagyang makalapit sa Petro Gazz na nagtataglay ng 6-5 marka.

Kinakailangan ng Tacloban na maipanalo ang kanilang huling asignatura sa eliminasyon laban sa BanKo Perlas para mapalakas pa ng husto ang kanilang tsansa sa semis.

“Yung kumpiyansa sa sarili kailangan ganun pa rin ang maipakita namin sa next game. Tiwala sa sarili at teammates,” dagdag ni Pacres na nakakuha ng tulong mula kina middle hitter Andrea Marzan at Jovielyn Prado.

Wala pa ring panalo ang Lady Falcons na lumasap ng ika-11 sunod na kabiguan.

vuukle comment

TACLOBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with