Balik sa NU
(Pang-masa) - November 18, 2018 - 12:00am

UAAP Cheerdance title

MANILA, Philippines — Tangan ang temang “Remember M,” nasungkit muli ng National University Pep squad kahapon ang titulo sa Season 81 UAAP Cheerdance Competition sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa kanilang panalo, inangkin ng Bulldogs ang P50,000 top prize mula sa organizer UAAP at P30,000 galing sa sponsor na Yamaha Motors.

Matapos pagkaitan ng five-peat title noong nakaraang taon na pinagwagian ng Adamson, nabawi ng NU Pep Squad ang titulo.

Gamit ang Pixar Film Coco, Mexican Holiday of De Los Muertos o Day of the Dead, muling uma-lagwa ang Bulldogs mula sa pang-apat na puwesto sa nakaraang taon. Ito na ang kanilang pang-limang korona sa nakalipas na anim na taon.

Tulad ng mga nakaraang routines ng NU, sabay- sabay ang kanilang mga tumbling, pagsasayaw at walang natumba sa kanilang mga matataas at kumplikadong pyramids.

Nakuha naman ng Far Eastern University Cheering squad ang first runner-up honor sa kanilang throwback disco routine habang second runner-up naman ang 80th season champion Adamson University Pep squad sa kanilang Lion King theme.

Nakatanggap din ang FEU ng P30,000 cash prize mula sa UAAP at P25,000 galing sa Yamaha bilang silver medalist.

Ang Adamson ay nag-uwi naman ng P20,000 mula sa UAAP at P20,000 sa Yamaha bilang bronze medalist sa kumpetisyon sa taong ito.

Dinomina sa katunayan ng NU ang kumpetisyon dahil sila rin ang nanalo sa Group Stunt habang first runner-up naman ang FEU at second runner-up ang Adamson.

Binigyan din ng special award ang University of Sto. Tomas Salinggawi Dance Troupe bilang na-ngunguna sa Yamaha Toss para iuwi ang P30,000 cash prize.

NU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with