^

PM Sports

Petro Gazz lalapit sa semifinals

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Puntirya ng Petro Gazz ang importanteng panalo laban sa nangungunang Ateneo de Manila University upang makalapit sa semis slot sa Premier Volleyball League Season 2 Open Conference na magpapatuloy ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang bakbakan ng Gazz Angels at Lady Eagles sa alas-6 ng gabi.

Kung mananalo ang Petro Gazz, makakasiguro ito ng playoff para sa huling tiket sa Final Four.

Okupado na ng Ateneo (10-3), Creamline (9-2) at BanKo Perlas (9-3) ang unang tatlong silya sa semis kaya’t naiwan sa Petro Gazz (6-5), Pocari-Air Force (5-7) at Tacloban (5-7) ang duwelo para sa natitirang semis spot.

Kaya naman krusyal din ang laban ng Tacloban at Adamson University sa alas-4 ng hapon.

Kung mananalo ng dalawang beses ang Petro Gazz sa kanilang huling tatlong laro, awtomatiko itong uusad sa semis habang tuluyang malalag-lag ang Pocari-Air Force at Tacloban.

Masisilayan din ang paluan ng Creamline at BanKo Perlas sa alas-4 ng hapon sa larong gaganapin sa Cagayan de Oro City.

Pinaglalabanan ng Cool Smashers at Perlas Spikers ang No. 2 seeding sa Final Four kalakip ang magandang momentum bago sumalang sa best-of-three series sa semis.

 

vuukle comment

PETRO GAZZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with