^

PM Sports

Win. No. 5 asam ng Petron

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Itataya ng nagdedepensang Petron ang malinis nitong rekord sa pagharap sa mapanganib na Cignal sa pagdayo ng Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayong araw sa Caloocan Sports Complex.

Magtutuos ang Blaze Spikers at HD Spikers sa alas-4 ng hapon habang papalo rin ang duwelo ng Smart Giga Hitters at Generika-Ayala sa alas-2 at ang bakbakan ng Cocolife at Sta. Lucia sa alas-6 ng gabi.

Namamayagpag ang Petron bitbit ang imakuladang 4-0 rekord habang nahulog sa No. 2 spot ang Foton hawak ang 4-1 marka matapos yumuko sa F2 Logistics, 15-25, 13-25, 13-25 noong Huwebes.

Isang linggo ring na-pahinga ang Blaze Spikers na huling nasilayan sa aksiyon noong Nobyembre 10 nang payukuin ang Cargo Movers, 22-25, 25-16, 25-16, 25-20.

Kaya naman sariwang sasalang sina Ces Molina, Sisi Rondina, Bernadeth Pons kasama sina middle hitter Mika Reyes at Remy Palma at playmaker Rhea Dimaculangan.

Sa kabilang banda, maganda rin ang inila-laro ng HD Spikers na galing naman sa dalawang sunod na panalo kontra sa Sta. Lucia at Generika-Ayala.

Kasalukuyang may 3-2 marka ang Cignal at desidido ang tropa na mapaganda pa ito upang magkaroon ng mataas na momentum sa second round ng eliminasyon.

Inaasahang raratsada para sa HD Spikers si national mainstay My-lene Paat na pangunahing pinagkukunan ng puntos ng tropa.

Hahataw din sina Rachel Anne Daquis, Janine Navarro, Honey Royse Tubino at setter Grace Masangkay samantalang aasahan ng Cignal sa depensa si seasoned libero Jheck Dionela.

 

vuukle comment

PETRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with