^

PM Sports

Makakatulong ni Garcia si Gavina

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa hangaring mabigyan si head coach Caloy Garcia ng mas malakas na coaching staff ay kinuha ng Rain or Shine si dating Kia Picanto mentor Chris Gavina bilang assistant.

Ang 39-anyos na si Gavina, ipinanganak sa Pilipinas at nanirahan sa Jersey City, New Jersey, USA noong siya ay tatlong taon pa lamang ay hinirang na first assistant coach ni Manny Pacquiao sa Mahindra (dating Kia) noong 2016 bilang kapalit ni Chito Victolero ng Magnolia.

Nagbitiw si Gavina, naging coach ng Valenzue-la Classic sa MPBL bago binitawan ang koponan noong Oktubre sa huling dalawang laro ng Picanto sa nakaraang 2018 PBA Philippine Cup.

Sa kanyang pamamahala ay nakapasok ang Columbian Autocar Corporation franchise sa kanilang kauna-unahang quarterfinals appearance noong 2016 PBA Governor’s Cup na pinagharian ng Barangay Ginebra.

Makakatuwang ni Garcia si Gavina para sa kampanya ng Elasto Painters sa darating na 44th season ng liga sa Enero ng 2019.

Nabigo ang Elasto Painters na makausad sa quarterfinals ng kasalukuyang 2018 PBA Governor’s Cup bunga ng kanilang 3-8 record.

 

 

vuukle comment

GAVINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with