^

PM Sports

Green sinuspinde ng Golden State

Pang-masa
Green sinuspinde ng Golden State

OAKLAND, California -- Pinatawan si forward Draymond Green ng one-game suspension na without pay ng Golden State Warriors dahil sa “conduct detrimental to the team” matapos ang kanyang pakiki-pagtalo kay All-Star teammate Kevin Durant.

Inaasahang mawawala kay Green ang higit sa $120,000 sa kanyang suweldo.

Kinompronta si Green ng kanyang mga teammates sa locker room dahil sa kanyang palpak na decision-making sa final play ng regulation period sa 116-121 overtime loss ng Golden State laban sa Los Angeles Clippers, pahayag ng league sources sa ESPN.

Tumaas ang intensidad sa locker room nang mapag-usapan ang posibleng pagsalang ni Durant sa susunod na free agency market.

Isinara ng Warriors ang fourth quarter sa pamamagitan ng isang 11-0 atake at nagkaroon ng pagkakataong maipanalo ang laro nang magtabla sa 106-106.

Nakuha ni Green ang rebound at nagdribol bago nawala sa kanya ang bola kung saan nakita si Durant na humingi ng pasa mula sa veteran power forward.

Sa pagtunog ng final buzzer ay nagtungo ang mga players sa kanilang bench at nakita ang paninigaw ni Durant kay Green dahil hindi ipinasa sa kanya ang bola sa ilalim ng basket.

Nakita sa television cameras ang komprontasyon nina Durant at Green ngunit hindi ibinunyag ng dalawang player kung ano ang kanilang pinagtalunan.

vuukle comment

DRAYMOND GREEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with