^

PM Sports

Makukumpleto na ang Gilas

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Makukumpleto na ang Gilas

MANILA, Philippines — Malapit nang makumpleto ang puwersa ng Gilas Pilipinas na patuloy ang ensayo sa Meralco Gym para sa krusyal na fifth window ng 2019 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers sa dulo nitong buwan.

Ito ay dahil sa inaasahang pagbabalik ni Stanley Pringle na hindi nakadalo sa mga naunang sesyon ng koponan bunsod ng pamamalagi sandali sa U.S.

Kamakalawa ay nag-practice na rin si Christian Standhardinger na hindi rin nakasama sa unang ensayo ng koponan bunsod naman ng pananakit ng tiyan.

Sasamahan nila sina June Mar Fajardo, Beau Belga, JP Erram, Arwind Santos, Alex Cabagnot, Gabe Norwood, Matthew Wright, Marcio Lassiter, Jayson Castro at Troy Rosario.

Hindi rin pahuhuli ang mga nagpapasiklab na Gilas cadets na sina Ricci Rivero at Kai Sotto.

Samantala, nausog pa nang bahagya ang pagsama sana ng iba pang manlalaro sa Gilas training bunsod ng humaba pang semi-final series ng Ginebra at Magnolia.

Dahil dito, inaasahang sa susunod na linggo na makakasama sa ensayo sina Paul Lee at Ian Sangalang ng Magnolia gayundin sina LA Tenorio, Scottie Thompson, Greg Slaughter at Japeth Aguilar ng Magnolia.

Kasalukuyan pang idi-naraios ang best-of-five semis series ng Hotshots at Gin Kings ngunit hanggang Linggo nalang ang serye anuman ang mangyari kaya’t maaari nang makapaglaro ang anim na layers simula sa Lunes kung kailan mag-uumpisa rin ang araw-araw na ensayo ng koponan.

Matapos ang araw-araw na ensayo sa susunod na linggo, sasalang naman ang Gilas sa tune-up games kontra sa Jordan sa Nobyembre 19 at 21 gayundin kontra Lebanon sa Nobyembre 23 at 25.

vuukle comment

STANLEY PRINGLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with