^

PM Sports

Sotto, Rivero nakipagsabayan sa mga beterano ng Gilas

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Sotto, Rivero nakipagsabayan sa mga beterano ng Gilas

MANILA, Philippines — Parang mga beterano at hindi bagito sina Gilas Pilipinas cadets Kai Sotto at Ricci Rivero matapos makipagsabayan sa mga Philippine Basketball Association (PBA) superstars sa pagsisimula ng kanilang training camp nitong linggo para sa nalalapit na 2019 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers.

Ito ang sabi mismo ni Gilas head coach Yeng Guiao na bumilib sa dalawang kadete na siyang pina-kabagong miyembro ngayon ng kanyang 20-man training pool.  “If you look at them playing with the veterans and the professionals ‘di mo mahahalatang cadets sila,” ani Guiao matapos magpasiklab ang dalawang batang manlalaro kasama ang PBA-backed Gilas elite men’s team player sa pangunguna ni four-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo at two-time Best Point Guard in Asia na si Jayson Castro.

Edad 16-anyos pa lamang, ito ang unang salang ng Batang Gilas anchor na si Kai sa men’s regular team ng bansa habang napasali na dati sa Asian Games pool ang 20-anyos na si Rivero.

Para kay Guiao, ang kanilang madaling pag-a-adjust sa mga propesyunal na PBA players ay patunay na angat na sina Sotto at Rivero sa kanilang kompetisyon sa University Athletic Association of the Philippines juniors at seniors division, ayon sa pagkakasunod.

“You will not even notice that they’re five or six years younger than the rest of the guys,” aniya.  “That’s I think how mature and developed their games are.”

Bagama’t natutuwa sa mga papuri ni Guiao, nanatili namang nakatapak sa lupa ang paa ng dalawang kadete lalo’t ang hangad lamang nila ay matuto sa ngayon at masuklian ang tiwala ng koponan.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with