^

PM Sports

Foton gustong magsolo

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pagkakataon naman ng Foton Tornadoes na masolo ang liderato sa pagsagupa nito sa F2 Logistics sa pagpapatuloy ng Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Lalarga ang salpukan ng Tornadoes at Cargo Movers sa alas-7 ng gabi habang magtatagpo naman sa unang laro ang Smart Giga Hitters at Cocolife sa alas-1:30 ng hapon kasunod ang duwelo ng Generika-Ayala at Sta. Lucia Realty sa alas-4:15.

Halos hindi maramdaman ng Tornadoes ang pagkawala nina Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat na parehong naglalaro sa commercial league sa Japan matapos kubrahin ng Foton ang apat na sunod na panalo.

Kabilang na dito ang 26-24, 25-15, 25-19 demolisyon ng Tornadoes sa Giga Hitters sa kanilang huling laro para saluhan ang Petron sa unahan ng standings hawak ang magkatulad na 4-0 baraha.

Ngunit wala sa isip ng Foton ang pagiging kumpiyansa.

“Honestly, I don’t want to think about our opponent. We will still prepare, but we will focus more on ourselves, on the things we can improve on rather than the things we don’t have control of,” ani Foton rookie mentor Aaron Velez.

Mapapalaban ang Tornadoes dahil galing sa dalawang sunod na kabiguan ang Cargo Movers na nalaglag sa 3-2 marka.

Papalo para sa F2 Logistics sina Cha Cruz-Behag, Ara Galang, Aby Maraño, Majoy Baron at Kim Fajardo.

Raratsada naman sa hanay ng Tornadoes sina CJ Rosario, Mina Aganon, Maika Ortiz, Shaya Adorador, Gyselle Sy at Bea de Leon.

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with