Wolves nilapa ang Nets; Clippers lusot sa Warriors
MINNEAPOLIS — Wala na si Jimmy Butler pati na ang kamalasan ng Minnesota.
Humakot si Karl-Anthony Towns ng 25 points at season-high na 21 rebounds para sa 120-113 panalo ng Timberwolves laban sa Brooklyn Nets matapos i-trade si Butler sa Philadelphia 76ers.
Minalas naman ang Brooklyn nang magkaroon si leading scorer Caris LeVert ng matinding right leg injury sa dulo ng second period.
Nagbalik si guard Jeff Teague mula sa six-game absence para magdagdag ng 24 points sa panig ng Minnesota, winakasan ang five-game losing skid.
“It’s good to get a win after the slide we’ve been having,” sabi ni Towns. “It doesn’t matter how it comes, pretty or ugly. As long as it ends up being a win, we’re good with that.”
Opisyal nang ibinigay ng Timberwolves si Butler sa 76ers noong Lunes kasama si big man Justin Patton.
Tinanggap naman ng Minnesota sina Robert Covington, Dario Saric, Jerryd Bayless at isang 2022 second-round pick para sa nasabing trade.
Sa Miami, humataw si center Joel Embiid ng 35 points at 18 rebounds para pamunuan ang 76ers sa 124-114 panalo laban sa Heat.
Hindi pa naglalaro ang four-time All-Star na si Butler para sa Philadelphia.
Inaasahang makikita si Butler sa aksyon sa pagsagupa ng 76ers laban sa Orlando Magic bukas.
Nagdagdag si JJ Redick ng 25 points, habang may 16 at tig-13 markers sina Furkan Korkmaz, Ben Simmons at Mike Muscala, ayon sa pagkakasunod, para sa Philadelphia.
Sa Los Angeles, humugot si guard Lou Williams ng 10 sa kanyang 25 points sa overtime matapos isuko ng Clippers ang itinayong 14-point lead sa fourth quarter para talunin ang Golden State Warriors, 121-116.
Kumamada ang Warriors ng 11 sunod na puntos para makapuwersa ng overtime, 106-106.
Nag-ambag naman si Montrezl Harrell ng 23 points mula sa bench kasunod ang 18 markers ni rookie Shai Gilgeous-Alexander para sa Los Angeles.
Tinapos ng Clippers ang kanilang seven-game skid laban sa Warriors sa Staples Center.
Humakot si Kevin Durant ng triple-double mula sa kanyang 33 points, 11 rebounds at 10 assists sa panig ng Golden State bago na-foul out sa huling 3:46 minuto sa extra session.
Sa Toronto, nagsumite si All-Star forward Anthony Davis ng 25 points at nagtala ng season-high na 20 rebounds, habang umiskor si E’Twaun Moore ng season-high na 30 points para pangunahan ang New Orleans Pelicans sa 126-110 panalo laban sa Raptors.
Tinapos ng New Orleans ang sinasakyang six-game winning streak ng Toronto.
- Latest